CHLOE'S POINT OF VIEW
Gulat kaming napatingin ni Steve kay Kyle. Seryoso siyang nakatingin samin. Namimiss ko siya kahit na nagkausap kami kagabi, gusto ko siyang lapitan at yakapin at humingi ng sorry sa mga nasabi ko kagabi. Pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko, lalo na at ang sama ng tingin niya saming dalawa ni Steve na parang may ginagawa kaming hindi maganda.
"Kyle.."
Hindi parin siya umimik. Pero kahit na ang seryoso niya, ang gwapo niya pa din. May benda pa sa gilid ng noo niya, medyo may kaunting pasa pa sa gilid ng labi niya pero kahit ganun hindi parin nababawasan ang kagwapuhan niya.. Pero teka lang..
Anong ginagawa niya dito? Dapat ang ginagawa niya ngayon nagpapahinga sa hospital hanggang sa humilom ang sugat niya. Halata naman na hindi pa okay ang lagay niya, pero pumasok parin siya. Ano bang iniisip ng lalaking to?!
"Kyle, bakit ka nandito--" nagulat ako nang hablutin ako ni Kyle papalapit sa kaniya. Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya ng bonggang-bongga, pero wala atang pakiramdam ang lalaking to at hindi man lang natinag.
Tiningnan ko siya, ang sama-sama ng tingin niya kay Steve. Tumingin ako kay Steve, walang emosyon ang mukha niya at nakatingin din siya kay Kyle. Para silang mga ewan, pero mas naguguluhan ako kay Kyle. Susugod na lang dito masama pa ang aura, tsaka bat ganiyan siya makatingin kay Steve na parang kulang na lang patayin niya si titig niya. Hindi ko siya mabasa.
"Mabuti naman at pinayagan ka ni Tita na pumasok." sabi ni Steve pero wala.paring emosyon ang mukha niya. "How do you feel right now?"
"How do I feel right now?" hindi ko alam pero rinig ko ang sarkasmo sa boses niya. Mapakla siyang tumawa. "I feel fucking mad and I want to punch someone just to burst this fucking feeling. That's how I feel right now, cuz." kunot-noo kong tiningnan si Kyle. Ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi ko siya mareach. Nahospital lang, ang sama-sama na ng aura.
"Kyle, hindi ka na sana pumasok. Nagpahinga ka na lang sana sa bahay niyo--"
"And what?! Para hindi ko kayo makitang magkasama at makitang masaya habang wala ako. Am I fucking right?" nagulat ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan. Mali naman ang inisiip niya tungkol samin ni Steve.
"Cuz, wag mo siyang--"
"Don't fucking speak! Hindi ikaw ang kinakausap ko!" hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. "And I'm still fucking mad at you!" si Kyle, galit kay Steve? Bakit? Paano? Anong nangyari? Eh, sa pagkakaalam ko napaka close nang dalawa nato bago mahospital si Kyle. Hindi ko talaga maintindihan ang pinagpuputok ng butsi ng lalaking to.
"Kyle ano bang problema mo-- Kyle!" nang bigla na lang niya akong kaladkarin at iniwan namin si Steve. Pilit akong nagpupumiglas sa kaniya, rinig ko ang pagtawag sakin ni Steve kaso wala sa kaniya ang attensiyon ko, nasa lalaking to na hindi ko alam kung bakit ganito ang inaasta. De javu? Ganito din ang nangyari nung nagkausap kami ni Harry at umeksena ang lalaking to at kinaladkad ako.
Tumigil kami sa hindi ko na alam kung nasaan basta nasa labas na kami ng school. Sa kakaladkad niya sakin, hindi na namin alam na nakarating na kami sa labas. Binitawan niya ang kamay ko at para niya akong kakainin sa tingin niya. Nakakatakot.
"A-ano bang problema mo?! Papasok ka na nga lang, nanggugulo ka pa! Alam mo kulang ka lang sa pahinga--"
"Why didn't you fucking tell me?!" napatigil ako nang magsalita siya. Kunot-noo ko siyang tiningnan.
"Ano bang pinagsasabi mo?! Hindi kita maintindihan--"
"That my fucking cousin is your fucking fiance!" natahimik ako. Gusto kong magsalita kaso umatras ata ang dila ko at nangangatog ang hita ko dahil sa kaba. Pano niya nalaman? Sinabi kaya ni Tita Anne ang tungkol dun.
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Teen FictionB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...