THIRD PERSON POINT OF VIEW
NAPATIGALGAL si Chloe sa sagot ng binata. Ganun din si Kyle, bakas sa bakas sa gwapo nitong mukha ang gulat.
"A-anong sabi mo?" gulat na tanong ni Chloe na hindi parin makapaniwala sa sinabi nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa anuman ang sasabihin ni Kyle.
"I.. Ahm.. I.. I mean.. I'm j-jealous.. Because.." utal na sabi nito at bahagyang napatigil at napatitig sa kaniya.
"N-na ano?" tanong niya ulit rito.
"B-because.. Y-you're attention is only for him, instead of me.. I w-was jealous.. As a friend, nagseselos ako"
Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa sagot nito. Nanghinayang siya sa sagot ng binata, akala niya may nararamdaman na ang binata sa kaniya. Pero hindi niya pinakita kay Kyle ang totoong nararamdaman niya.
May isa pa naman, tingnan natin.
"P-pero.. Yung sinabi mong.. M-mahal m-moko? T-totoo bayun" kinakabahan niyang tanong. Lumunok muna siya nang maraming beses.
Hindi pa nagsalita si Kyle ay mas lalo siyang kinabahan, pinapawisan na ang kamay niya at mas lalong naghuhurumintado ang dibdib niya. Halos kapusin na siya ng hininga. Ang tagal sumagot!
"W-well.. Yeah.. I l-love you"
O my gas! Pwede nakong mamatay!
Nanginginig ang kaniyang mga tuhod sa rebelasyon ng binata. Kinagat niya ang labi para mapigilan ang mapangiti sa harapan nito.
"T-talaga?" paninigurado niya. Hindi niya mapigilan at ngumiti sa binata. Is this the moment?!
"Y-yes.. I love you.. A-as a friend"
Ha? Anu daw?!
I love you as a friend daw!
As a friend?!
F.R.I.E.N.D! Friend!
Kung kanina ay para siyang nabagsakan ng langit at lupa. Ngayon, parang nawarak ang kaluluwa niya sa sinabi ng binata. Halos sumadsad na ang baba niya sa kalsada sa gulat. Ganun!
"Ahh.. Hahaha.. Ahh, yun pala" awkward niyang tawa. "P-pero sana hindi mo ginawa yun. M-mabuti namang tao si Harry" pag-babalik niya sa usapan nito kanina na medyo nawala sa landas dahil sa sinabi ng binata. Na akala ko yun na ang tatapos sa friend zone drama ko!
"Tsk! He deserved that anyway"
"Gago ka rin no! Ako nahihiya kay Harry eh! Wala namang ginagawang masama sakin yung tao, tapos susuntukin mo. Naka drugs ka ata eh!" nangunot na lang ang noo ni Kyle at tiningnan siya. "Patokhang kita kay Tatay Digong niyan eh!"
"Why are you siding him?! Are you freaking concerned to him? Dapat nga sakin ka mag-alala because I'm your best friend, not with that ugly monkey!"
Wala siyang naitindihan sa sinabi nito maliban na lang sa salitang 'friend' na siyang nakakuha ng attensiyon niya. Yun lang.
"Ewan ko sayo! Pag malala ang lagay niya dahil sa ginawa mo, malilintikan ka talaga sakin" pagbabanta niya kay Kyle.
"Really?!" di makapaniwalang tanong nito sa kaniya. "Are you fucking serious?!"
Imbis na sumagot ay tinalikuran niya lang ang binata na hanggang ngayon ay nakakunot parin ang noo.
"Hey Chloe! Is that a threat-- Look at me!" natatawa na lang siya habang naglalakad papasok sa gate ng kanilang bahay habang si Kyle ay panay ang tawag sa kaniya na hindi naman niya binibigyan ng pansin.
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Teen FictionB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...