CHAPTER 63

70 0 0
                                    

CHLOE'S POINT OF VIEW

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha, kahit nakakunot ang noo niya at ang seryoso niya, ang gwapo niya pa rin.

Pareho din ata kaming nagulat nang makita namin ang isa't-isa. Walang anuman ay biglang kumabog ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Nawala ang kunot sa kaniyang noo at napalitan iyun nang walang emosyon.

"Oh, I forgot, you know each other." napabaling ang attensiyon ko kay Jeanne.

At doon lang sumagi sa isipan ko ang isang maraming tanong sa utak ko.

Bakit sila magkasama ni Kyle?

Sa pagkakatanda ko, hindi magkakakilala si Kyle at Jeanne. Ni hindi nila kilala ang isa't-isa, pero bakit magkasama sila ngayon?

Bakit pakiramdam ko ay napakalapit nila sa isa't-isa.

Pano sila nagkakilala? Kailan?

Si Jeanne..

Siya kaya ang sumundo kay Kyle nang magkasakit ito kahapon? Si Jeanne ba ang babaeng yun?

Eh, sino pa ang isang babae na nakasabay ko patungo sa condo niya?

Hindi ko maiwasan na magselos at masaktan. Iniisip ko pa lang na may babae nang pinagtutuunan ng pansin si Kyle ngayon, ay nasasaktan nako. Alam kong wala akong karapatan, lalo na at kasalanan ko naman ang lahat kung bakit nauwi kami sa ganito.

Pero, ang sakit padin. Hindi ko maiwasan ang magselos.. Lalo na sa pinsan ko, ako dapat ang nasa posisyon niya ngayon. Ako dapat.

"I have to go―"

"Wait lang Kyle!" nahawakan pa ni Jeanne ang kamay ni Kyle dahilan para mapatigil si Kyle.

Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay. Hindi ko na ata kaya to, ang sakit sa mata. Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko.

"Wag ka ngang mag-inarte diyan. Just come inside, will you?  Sayang outfit mo." pigil ni Jeanne sa kaniya.

"I really have to go—"

"Or else isusumbong kita kay Tita Anne?! You promised you won't leave me." banta ni Jeanne kay Kyle.

Kilala ni Jeanne si Tita Anne?

Magkakakilala na ba sila noon pa? Baka kilala na nila ang isa't-isa, hindi lang talaga nabanggit ni Kyle ang tungkol kay Jeanne― pakshet! Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko.

Hindi parin mawala-wala ang mga katanungan sa isip ko habang pabaling-baling ang tingin ko sa kanilang dalawa. Napatigil ako nang lumingon siya sa kinaroroonan ko. Walang emosyon ang mga mata niya, hindi ko alam kung galit ba siya o ano.

Pero alam kong galit siya, ramdam ko yun sa titig niya pa lang sakin. Pero kailangan ko siyang makausap ngayon, wala akong pakialam kung galit siya basta ang importante makausap ko siya at maipaliwanag ko sa kaniya ang lahat.

"Jeanne, pumasok ka na―"

"Shut up!" nagulat ako nang singhalan niya ako. Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ikaw ang kinakausap ko." pagtataray niya.

"P-pumasok ka na lang, hinihintay ka na nila mama sa loob." tinarayan niya lang ako.

Okay lang yan Chloe, timpi ka muna saglit.

"Fine, since kilala mo naman ang damuho nayan. You seem so close naman, I guess?" sabi ni Jeanne at tiningnan si Kyle then tumingin ulit sakin. "Convince him to come inside, masyadong nagpapabebe eh, ang arte." sabi niya.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon