CHLOE'S POINT OF VIEW
Nakaupo ako sa paanan ng kama habang pinasidahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto ko. Napangiti na lang ako at nagpakawala ng isang mabigat na hininga at tumayo.
Mamaya na'ng hapon ang alis namin, nag book na ng flight si papa. Dapat nga sana bukas pa ang alis namin dahil yun ang sabi ko dahil bibisitahin ko pa sila Nanay Pasing, but now that I already visited them so okay na ang lahat.. At nakausap ko na rin siya. Napabuntong-hininga na lang ako.
That conversation made me relieve, medyo gumaan ang pasanin ko― nang kunti. At nakatulong din ang pagiging makakalimutin ni dad dahil nakalimutan niyang magbook ng flight para bukas, pero nakabook na siya ng ticket for this day, so I think sign nayun na mukhang kailangan ko na talagang lumisan dito at magsisimula sa States, for good, with my child.
Pumasok nako sa banyo at naligo ulit, medyo nanlalagkit ako sa biyahe kanina. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko nang dumampi ang tubig sa katawan ko. Napangiti na lang ako. Mamimiss ko ang banyong to, mahina ang natawa sa naisip ko.
Makaraan ang halos ilang dekada ko sa banyo ay lumabas narin ako but napatigil ako nang makita ko ang repleksiyon ko sa salamin. Then I remove the towel that covers my body and let my body expose. Nakatingin parin ako sa salamin, at marahan kong hinawakan ang tiyan ko at hinihimas ito.
Hanggang ngayon hindi parin nawawala ang gulat at saya ko, hindi parin ata talaga nagsisink-in sa utak ko na may laman na tong tiyan ko. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa tiyan ko at bumaling sa salamin.. Then my eyes stares at my lips.
His kiss..
His touch..
His presence..
Parang may sariling utak ang kamay ko at unti-unting hinawakan ang labi ko. I can still feel his kiss within me, nararamdaman ko parin ang yakap niya hanggang ngayon..
Hindi ko itatanggi na may parte sakin na nagsisisi sa desisyon ko na pakawalan siya.. But may parte din sakin na sumasang-ayon dahil yun ang nararapat para sakin na desisyon. At hindi ko rin itatanggi na mamimiss ko rin siya. I'll miss every inch of him.
"Ting, mama mo to."
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni mama sa labas ng kwarto.
"Yes, my?"
"Are you ready? Handa na ang sasakyan natin."
"I'm coming, magbibihis na muna po ako, my."
"Okay, take your time honey.. We'll wait you downstairs."
"Okay, my."
Agad kong kinuha ang mga damit na nasa paanan ng kama na nakahilera, si manang kasi hinanda nadin ang damit na susuotin ko paalis. I will miss this.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, dinala ko na ang bagahe ko pababa. Nadatnan ko sila mama at papa, si Jeanne tsaka si Steve na nakaupo sa couch. Nasa gilid naman sila manang Cel na nakayakap sa anak niyang si ate Banje na halatang umiiyak. Lumapit ako sa kanila at niyakap sila
"Wag na kayong umiyak manang, baka hindi kami makaalis niyan." pabiro kong sabi sa kanila.
"Pasensiya ka na hija at nagiging emosyonal ako. Hindi ko na kasi makikita ang alaga ko."
Marahan kong hinagod ang balikat ni manang at malungkot na ngumiti. "Wag kayong mag-alala manang, babalik din naman kami."
Tumango si manang at maluha-luhang ngumiti. "Hihintayin ko yan hija.. O siya, at baka mahuli pa kayo sa flight niyo."
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Teen FictionB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...