CHAPTER 42

105 10 0
                                    

CHLOE'S POINT OF VIEW

Hindi mapuknat ang labi ko habang pinagmamasdan ko ang infinity ring na binigay sakin ni Kyle. Nasa alapaap parin ang pakiramdam ko ngayon, maiiyak na ata ako sa walang oras at malulunod sa sobrang saya, marinig lang mula kay Kyle ang mga salitang yun na binitawan niya kanina, pwede nako mamatay. Char! Gusto ko pang mabuhay, looking forward pako sa susunod na mangyayari saming dalawa.

He wants me to be his wife, he wants me to be the mother of his children. Sino ba naman ako para tumanggi sa isang napasarap na tanong na narinig ko sa buong buhay ko. Tapos nagkasal-kasalan kami kanina na parang ewan, pero para sa kaniya mukhang tinitoo ata, ang seryoso eh. At ngayon, asawa ko na siya. Ang chalap sa feeling. Worth it ang pagtakas ko.

"Hoy ikaw na bruha ka!" agad akong napatingin sa paligid nang makita ko si Lorraine na umuusok ang ilong habang papalapit sakin.

"Hi Raine!" ngiti kong bati sa kaniya. Wala eh, good mood ako ngayon.

"Ikaw, bruha ka! Hinalughog ko na ang parte ng campus nato, hindi parin kita makita. San ka ba kasi nanggaling?! Kala ko ba masama ang pakiramdam mo?! May pupunta ka pang clinic na nalalaman, eh pagdating ko wala ka naman dun!" para siyang nanay kung makasumbat at makasermon sakin. "Ano?! Sagutin moko! San ka nanggaling, at halos tatlong oras kang nawala?! Alam mo bang pinaghahanap--"

"Raine. Kalma ka lang, okay." hinawakan ko ang balikat niya at tinatapik-tapik ito. "Inhale.. Exhale.. Inhale.. Exhale.. Sige pa." sabi ko sa kaniya, sumunod naman ang bruha. "Ano, okay ka na?" nag thumbs up lang siya sakin.

"Okay nako. Ngayon, ang tanong mo ang sagutin ko--"

"Tsaran!" surprise ko sa kaniya sabay pakita sa infinity ring na nasa daliri. "Ang ganda no? Bigay sakin ni Kyle. Nagpakasal kami kanina." ngiti kong kwenta niya.

"Ano?!" gulat niyang tanong. "K-kayo? Nagpakasal?" kunot-noong tanong niya na hindi naniniwala sa sinabi ko. "Sagutin mo ko, ilang drum na naman ng shabu ang hinithit mo at ang high mo ngayon? Pambihira to." napasimangot ako.

"Totoo nga. Kala ko nga binibiro niya lang ako pero totoo. Ito nga oh! Binigyan niya pako ng singsing." napailing na lang si Lorraine na mukhang hindi talaga naniniwala sa sinasabi ko.

Baka akala nito nababaliw nako. Ah basta! Para sakin mag-asawa na kami. Ang sarap sa pandinig. Mag-asawa na kami.

"Okay, naniniwala nako sayo friend. I'm really happy for you. I know si Kyle talaga ang para sayo." ngiting sabi niya sabay hawak sa magkabila kong kamay. Pero naglaho ang ngiti sa mukha niya. "Pero friend, may kailangan ka pang asikasuhin."

"Ano yun?"

"Yung mga alipores ng daddy mo friend." nawala bigla ang ngiti ko at bigla kong naalala sila. Patay! Sa kakaisip ko sa nangyari kanina, nakalimutan ko na ang mga alipores ni papa. Patay baka hinahanap na nila ako ngayon.

"Alam mo bang kanina ka pa nila hinahanap. Pati nga ako pinagdiskitahan nila baka daw kasi alam ko kung nasan ka. Eh, hindi ko rin naman alam. Nang pumunta ako sa clinic, sumunod din sila sakin, then yung hawak nilang walkie-talkie.. Friend! sinumbong nila sa dad mo ang nangyari kanina."

Nawala ang sayang nararamdaman ko at napalitan ng takot at kaba. Pakshet! Bakit di ko naisip yun?! Baka napagalitan na naman sila ni papa dahil sakin. Naalala ko tuloy yung sinabi ni kuya sakin.

"Kaya nga ako nandito sa hallway ng school, baka makita kita dito. At nakita na nga kita, pinaghintay mo pako ng bonggang-bongga."

"Nasan sila?"

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon