CHLOE'S POINT OF VIEW
Ngiti akong bumangon sa kama mula sa isang mahimbing na pagkakatulog. Ito na ata ang masarap na tulog sa buong buhay ko. Lalo na kahapon.
Nakatulog ako nang mahimbing dahil sa pagtapik ni Kyle sa balikat ko, habang kumakanta na wala naman sa tono. Pero kahit na wala siya sa tono, maganda naman ang boses niya, tsaka mahal ko naman siya. So, okay nayun. Kinantahan pako, double okay.
Nang magising ako kahapon ay wala na siya sa tabi, sakto naman na pumasok si mama at chineck amg temperature ko, salamat sa diyos at bumaba narin ang lagnat ko.
Nanginit nga yung pisngi ko nang may pinakita na larawan si mama sakin. Nadatnan niya pala na magkatabi kami ni Kyle, at nakatulog si Kyle sa kakatapik sa balikat ko. Ang ginawa ni mama, pinicturan lang naman kaming dalawa. Remembrance daw, sabi niya.
"Hindi mo parin sinasagot ang tanong ko, Ting." untag ni mama habang nagbabasa ng diyaryo, nasa garden kami likod ng bahay namin. Sa gilid ng garden, merong square pool at abala sa paglilinis si ate beth sa tubig, isa pa naming katulong.
Ito lang yung bonding namin ni mama, pag weekdays kasi wala siya dito sa bahay, palaging may lakad. Habang ako naman, abala sa school. Pero kung nandito si papa, bonding naming lumabas at kumain. Pero wala si papa, so ang ginagawa namin sa weekend, nasa bahay lang, nakatambay sa likod ng garden, siya nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape, ako naman panay lang ang kain.
Wala eh, Patay gutom ang lola niyo. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit cafeteria ang favorite tambayan namin ni Lorraine. Parehas kaming patay-gutom.
"My naman, hindi ko na po mabilang kung pang-ilan niyo nang sinasabi yan. Naririndi na po ako!" panghihimutok ko. Si mama, nakikitsismis saming dalawa ni Kyle. Nagsimula to nung nakita niya kaming dalawa na magkatabi sa kama na natutulog.
"Well, titigil lang naman tong bibig ko, If sasagutin mo ang tanong ko." wala talaga akong kawala kay mama. "So, I'll ask you one more time. Ano na kayo ni Kyle ngayon? Still friends, or friends to a highest level?" ayan na naman ang panunukso sa boses niya. Nasapo ko na lang ang ulo ko.
"My! Kung tungkol na naman to sa nakita mo kahapon, wala lang yun." tumaas ang kilay ni mama habang nakangisi sakin. "Tsaka, ginagawa naman namin yun ah! Bata pa lang kami, nagtatabi naman talaga kami sa pagtulog. Walang nang malisya samin yun." depensa ko at nagsandok ulit ng carbonara sa plato ko at kinain ko agad. Busog na sana ako, kaso nakakagutom tong pinagsasabi ni mama.
"Hey, I'm just asking you a simple question Ting" natatawang sabi niya. Inirapan ko lang si mama. For sure tinutukso lang ako nito. "You look defensive."
"Ewan ko po sa inyo, basta wala lang po yun."
"Wala lang ba talaga?"
"Mama naman eh!" tinawanan lang ako ni mama.
"Okay. Hindi na, I'll stop." natatawa parin siya then binalik na niya ang attensiyon niya sa pagbabasa ng diyaryo.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi na nagsalita si mama. Sumandok ulit ako at akmang kakain nang biglang tumunog phone ko. Itinabi ko muna ang kutsara ang kinuba ang phone.
Nakita ko ang pangalan ni Harry sa caller I.D. Hindi nako nagpatumpik-tumpik pa, karaka-raka at sinagot ang tawag niya. Tumayo ako at lumayo ng kaunti kay mama.
(Hey, Chloe)
"Harry.. Napatawag ka? Anong atin"
(Nothing. I just want to hear your voice, before I leave)
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Teen FictionB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...