CHAPTER 23

153 11 0
                                    

CHLOE'S POINT OF VIEW

Hindi parin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Kyle kahapon bago kami umuwi. Pumayag nga siya na lalabas ako kasama si Harry, kaso sasama naman siya. Ano yun? Chaperone. May pagkasaltik din sa utak ang lalaking yun, gwapo na sana.

"Hoy friend, tulala ka na naman. Nakahithit ka ngayon, no?" sabat ni Lorraine. Nagsusulat ito ng assignment habang ako, tulala tapos naman na ako kaya okay na. Nasa loob kami ng classrom  habang hinihintay ang pagbell para sa lunch break.

"Wala. May iniisip lang ako" sabi ko sabay kibit-balikat.

"Speaking of iniisip. Naisipan mo na ba na umoo kay Harry, friend?" nagsimula na naman ang pagiging tsismosa niya .

"Imbie na makitsismis ka, tapusin mo muna yang ginagawa mo. Echuserang to"

"Echusera ka din, tapos nako. So ano na?"

"Nagkausap kami kahapon, at umoo nako." pansin ko na ngumisi si Lorraine.

"Talaga friend! Ayyyy! Good decision yan friend. I promise, hindi ka mabobore sa kaniya"

"Pano mo nasabi, nakasama mo na ba siyang lumabas?" pambabara ko sa kaniya.

"Grabe ka naman, di pwedeng instinct ko lang. Grabe ka sakin ah, porket lalabas kayo ng papa Harry ko, ginaganyan mo nako"pag-eemote nito.

"Tumigil ka nga diyan, di bagay sayong mag-emote. Mukhang kang bisugo"

"Ouch! You're so harsh friend!" pagmamaktol nito. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Kaso may problema eh, hindi naman ganun kalaki.. Pero ewan, kinakabahan ako"

"Bakit naman?" kunot-noong tanong nito.

"Si Kyle kasi.. Pinayagan niya nga akong lumabas, ang kaso nga lang.. Sasama siya sa date namin"

"A-ano?! Sasama si Kyle mo?" OA na tanong ni Lorraine. Pareho kami ng reaksiyon kaso less OA yung sakin, itong isang to halos pasukan na ng langaw ang bunganga dahil lakas ng nganga.

"Oo nga. Ang pinoproblema ko, baka ayaw ni Harry na kasama siya" problemado talaga ako, pero itong kausap ko hindi ata. Ang gulat na mukha ni Lorraine ay napalitan na naman ng nakakalokang ngisi.

"Don't worry friend, I'm sure papayag si Harry. Tapos, update mo sakin kung anong mangyayari sa world war three  na magaganap sa date niyo" sabi nito.

"Anong world war three yang pinagsasabi mo. Magde-date lang kami, hindi sasabak sa giyera"

"Basta friend. Update mo na lang ako ah, tsaka pabayaan mo na lang na sumama si Kyle mo. Ayos nga yun eh, first time in history, tatlo magdedate--"

"Baliw! Hindi naman kasali si Kyle sa date namin, sasama lang yung tao. Ewan ko sayo Raine, di ka nakakatulong" ibinaling ko na lang ang attensiyon ko sa ball pen niya at walang ganang nilaro-laro ito gamit ang aking  daliri.

Nang may lumapit saking bakla, kaklase ko.

"Hoy bakla, may naghahanap sayo. Si papa hommy" sabi nito na ikinataka ko.

"Papa hommy, sino yun? Wala akong kilalang papa hommy"

Inikutan lang ako ng mata ng bakla. "Duh! Hommy stands for hot and yummy, may masarap na lalaki na naghahanap sayo" sabi niya at binuntutan pa ng malanding tawa. "Harry ang pangalan, hinahanap ka niya"

Tumingin ako kay Lorraine na ngayon ay nakatingin din sa kaniya at nakangisi.

"Pano kung hindi siya pumayag sa gusto ni Kyle?" tarantang tanong ko.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon