CHLOE'S POINT OF VIEW
"I'm courting Tricia bans... And I need your help, just to get her yes"
"I'm courting Tricia bans... And I need your help, just to get her yes"
Ba't ba hindi parin nawala sa isip ko ang katagang yan?!! Naaawa na tuloy ako sa utak ko!!! Tsk! palaging nagrereplay, sira na ata—
"Ting, are you okay? Bat di mo ginagalaw ang pagkain mo" pansin ni mama habang nakatingin sakin. Napatingin din ako kay dad na mataman ding nakatingin sakin.
"Okay lang po ako. Busog lang po talaga"
Kadarating lang ni daddy galing States, since may business trip sila ni mama sa Davao at Cebu kaya umuwi siya dito, pagkatapos kasi naming mag-usap ni Kyle at dumiretso na kami ni mama sa airport para sunduin si papa. Pero 1 month lang si papa dito and babalik na naman siya because of our business which is exporting veges and fruits from Philippines to different countries, and we are the biggest exporting company in the Philippines. Ganyan ang routine namin, ako school, si mama minsan wala rin dito because of business, si papa sa ibang bansa for our business. Pareho lang kami ni Kyle na kinalakihan, Kaya siguro magkasundo kami hahaha!!
"So how's your studies? Your mom told me na tapos na ang first semester mo, how it goes" awtoridad na tanong ni daddy.
At ito rin ang nakakainis pag bumalik na si papa dito, palagi na lang studies ko ang pupunteryahin niya kung may problema ba o wala, kaya pinag-iigihan ko talaga ang pag-aaral para hindi madissapoint si papa.
"Okay naman po pa, wala naman pong problema. At marami naman po akong natutunan lalo na po sa iba't-ibang mga techniques and presentation sa pagluluto—" napatigil ako nang binagsak ni papa ang hawak na kutsara at tinidor, napansin ko rin ang pag-alala ni mama habang pabaling-baling ang tingin samin.
"I told you na mag shift ka ng ibang course. I told you, to choose business Management, instead of that Culinary Arts for damn sake!" mas nagulat pako ng sumigaw si papa sa harap ko. Napapikit na lang si mama at naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko. Magkatabi kasi kami ni mama. Pati nga mga maid na nasa tabi namin ay nagulat. "Ni katiting na koneksiyon diyan sa kurso mo at sa negosyo natin ay wala.. So you better shift your damn course Ting"
Ilang beses nang sinabi ni papa yan sakin but hindi parin ako sumusunod.. Eh sa ayoko, ang hirap kayang mag-adjust ng bagong kurso. Ang hirap.
"Pa, wala naman po akong nakikitang—"
"Whether you like it or not, mag shift ka ng ibang kurso at dapat sa pagbalik ko, business Management na ang aatupagin mo" diin niyang sabi then umalis na may bahid parin ng galit sa kanyang mukha.
Kasalanan ko na naman!! Tsk! Lagi naman eh.
"Its okay Ting, he must be tired. Just finish your food" ngiting sabi sakin ni mama, wala akong nagawa kundi ubusin ang pagkain ko kahit nawalan na ako ng gana lalo na't ginalit ko si papa.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta nako sa kwarto, aakyat na sana ako nang nakita ko si daddy sa sala, suot ang kanyang eye glasses na busy sa kakabasa ng mga papeles habang nakatutok sa laptop. Gusto ko sana siyang lapitan kaso ayaw niyang maistorbo siya lalo na at may ginagawa siyang importante. Pumunta na lang ako sa taas.
Humiga na'ko pero di naman ako makatulog lalo na sa mga nangyayari ngayon sa pagitan namin ni daddy. Lalo na kay Kyle!
"I'm courting Tricia bans... and I need your help, just to get her yes"
"I'm courting Tricia bans... and I need your help, just to get her yes"
Isa pa'tong linya na'to!! Nang-iinis rin eh!, nag iecho ang boses niya sa utak ko na siyang dahilan na hindi ako makatulog nang maayos at yun ang nakakainis sa lahi ko!
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Teen FictionB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...