CHAPTER 33

117 9 0
                                    

CHLOE'S POINT OF VIEW

Dali-dali akong nagbihis, nakakainis naman kasi ang lalaking yun. Walang iba kundi si Kyle 'The Gago' Alvarez, ang sarap-sarap ng tulog ko, napanaginipan ko nga na nagpakasal daw kami tapos maghahalikan na sana kami nun, nang may malakas na boses umalingawngaw sa tenga ko. Napabalikwas ako ng bangon. Nakatanggap naman siya ng isang mag-asawang sapak galing sakin.

Ganda na sana ng panaginip ko. Dreamcrasher talaga ang lokong yun, wala pa ngang 6:30am nandito nato. Excited lang na pumasok, gusto ko pa sanang matulog.

"Ang tagal naman!" sigaw niya sa labas ng kwarto.

"Tumahimik ka! Naiinis pako sayong gago ka!" sinuot ko na yung sapatos ko at dali-daling sinintas ang shoelace.

"I love you bans!"

"Pakyu too Kyle!"

"Ang sama mo talaga! Pasalamat ka, mahal kita!" kinilig naman ang lola niyo!

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na sa kwarto, nadatnan ko siyang nakasand sa pader habang nakapamulsa. Humarap naman ako sa kaniya at pataray na ngumiti.

"Tapos na po your highness." pinahinhin ko ang bosea ko habang masamang nakatingin sa kaniya. "Ano na?! Tara na!" tinawanan lang ako ng tukmol.

Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabila kong kamay at nagpacute pa. Ang sagwang tingnan.

"Where's my good morning kiss?" pa-cute niyang tanong. "Dali na, I need my good morning kiss" pagmamaktol niya.

"Sana inisip mo yan no! Baka mo'ko binulabog Kanina. Ngayon at masama ang gising ko, wala kang good morning kiss sakin!" singhal ko sa panget na pagmumukha ng lokong to. Tinalikuran ko siya at bumaba na ng hagdan, tumigil ako saglit at hinarap siya. Nakangisi pa ang gago. "At walang good sa morning! Dahil sayong panget ka!" mas nainis ako nang tinawanan niya lang ako. Hindi talaga ako siniseryoso ng lalaking to kahit kailan.

Bumaba nako ng hagdan, nadatnan ko si mama na may ginagawa sa sala. May hawak na papeles na binabasa habang umiinom ng kape.

"Good morning my!" tumingin siya sakin at ngumiti. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan si mama sa pisngi.

"Kumain ka na, kanina pa naghihintay si Kyle sayo. Baka ma-late na kayo sa school."

"Hindi na po, sa school na lang po ako kakain."

"Are you sure?"

"Yes po. Sige na po, aalis na po kami. Bye my."

"Bye Tita." paalam ni Kyle sabay halik sa pisngi ni mama.

"Take care you two. Ingat sa daan."

Pagkalabas namin sa bahay, kinuha niya ang bag ko. Tumaas ang kilay ko.

"Nagpapa-impress ah." kinindatan lang ako.

"Of course. Para mabawasan ang init ng ulo mo, at nang makatanggap na'ko ng good morning kiss sayo."

"Ah, ganun. Nagpapa-impresa ka lang para sa kiss?" para siyang asong ulol habang nakangisi. "Wala kang kiss sakin!" bigla namang sumimangot ang mukha niya. "Pa-impress pala ha, bala ka diyan! Kainin mo yang good morning kiss mo!" mabilis akong naglakad patungo sa kotse niya habang tinatawag niya ang pangalan ko. Bahala siya sa life niya.

Pumasok siya sa loob ng kotse na nakabusangot ang mukha. Natawa ako habang pinagmamasdan siya.

"You're so mean. Kiss lang naman ang hinihingi ko, ayaw mo pa'kong pagbigyan."

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon