CHAPTER 41

97 11 0
                                    

CHLOE' POINT OF VIEW

Nasa sofa ako ngayon, tuwid na nakatayo habang sinisermonan ni papa dahil sa nangyari kanina sa school, kung bakit daw ako nawala. Sinumbong ng dalawang alipores na'to ang ginawa ko kanina. Kala ko pa naman mabait ang mga to kasi naging mabait din naman ako sa kanila. Tsk!

Pero nagpasalamat ako kasi hindi nila namention ang pangalan ni Kyle habang nagrereport sila kay papa. Medyo napanatag ako, wala nakong pakialam kahit sermonan pa'ko ni papa nang bonggang-bongga, basta wag lang niyang isali ang pangalan ni Kyle, okay na ko dun. Tsaka mas napanatag ako dahil hindi rin namention ni papa ang pangalan ni Kyle, mas okay na okay nako dun.

"Are you listening to me Chloe?" natauhan ako sa paglaki ng boses ni papa. Tumango.

"O-opo.." nagbaba ako ng tingin. Tinaas ko ulit ang tingin ko, pansin ko ang paghilot ni papa sa batok niya.

"Next time, wag na wag mong paglaruan ang nga tauhan ko. Don't play hide and seek with them, hindi sila mga bata. Sa susunod na uulitin mo pa to, hindi lang sermon ang gagawin ko sayo." tumango ako ulit.

"Opo." tumingin ako kay mama na nakaupo lang habang nakatingin sakin. Tipid lang siyang ngumiti sakin, tumayo siya at lumapit sakin.

"That's enough." baling niya kay papa.

Aalis na sana si papa sa harapan namin ni mama nang bigla siyang humarap at tiningnan ako ng seryoso.

"Prepare yourself for tomorrow. We'll meet your fiance, pag-uusapan natin ang tungkol sa engagement party."

Ano?! Engagement party?

"Pero pa--"

"Don't but me Chloe. Wala akong pakialam kung aayaw ka o hindi. We'll meet them tomorrow, and one more thing.. Don't you ever embarrass me." sabi ni papa at pumunta sa itaas.

Hindi pwede to! Fudge! Makikita ko na ang fiance ko. Tsk! Wala akong pakialam kung sino man yun. Ang akin lang ay hindi pako umuoo. Pero wala din naman akong kawala dahil kay papa. Pero pano nato?! Si Kyle?

"I know you're not okay." sabat ni mama sa tabi ko. Hinawakan niya ako sa kamay at umupo sa couch. "Pumunta ang mga Laurel dito kanina, pero hindi nila kasama ang anak nila. They came here all the way from States just because of this. As your dad said, pinag-usapan namin ang engagement party para sa inyong dalawa, and all the set-up." napabuntong-hininga na lang ako.

"Pero my, hindi pa po ako pumapayag, diba? Ba't engagement party na agad?" hinilig ni mama ang ulo ko sa dibdib niya. Hinalikan niya ang buhok ko habang hinahagod ito.

"I'm so sorry Ting, kung wala akong magawa para pigilan ang papa mo. He's hardheaded, ang tigas ng ulo. I can't stop him, hindi talaga papaawat ang lalaking yun." mahina akong natawa sa sinabi ni mama.

"Wag po kayong magsorry my, wala naman po kayong kasalanan dito. Iniisip ko lang po talaga si Kyle, ayokong masaktan ko siya my." humiwalay ako kay mama at tiningnan siya. "Kakasimula pa nga lang namin, tapos ganito na agad? Alam niyo naman po yun diba, na gaano ko pinangarap na dumating ang araw na to, na mamahalin niya rin ako." ngumiti si mama at tumango sabay hagod sa buhok ko. "At dumating na nga ang araw nayun. Kaso may sagabal na agad. Kala ko nga mababago ko ang desisyon ni papa, pag nalaman niya ang tungkol samin ni Kyle, kaso mas lumala pa ata. Kala ko pa naman, botong-boto siya kay Kyle para sakin. Hindi pala."

"I know he likes Kyle for you. I can see it, kung hindi lang nabaon sa utang ang kompanya natin. Hindi mangyayari to, at malaya kayo ni Kyle ngayon."

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon