CHAPTER 67

57 1 0
                                    

A/N: Madalang na nga akong mag-update, mas dadalang pa dahil magsisimula na ang online class namin. Tsaka isa rin sa rason kung bakit madalang ako mag-update maliban sa tamad talaga ako hahaha, may isa akong accout sa watty at gumagawa din ako ng story dun. Genre ba kamo? Kung anong genre ang sinusulat ko dito, kabaliktaran naman sa isa ko pang account hehehe.. Kung inosente ako dito, mas inosente ako dun. At kung legend ka, alam mo ang ibig kong sabihin hahahaha.. By the way, sher ko lang hehehe.

***

KYLE'S POINT OF VIEW

Napadpad kami sa isang bayan, hindi ko alam kung anong lugar na'to kung nasa Baguio na ba talaga kami o baka malapit na kami sa Baguio dahil ramdam ko na ang lamig ng temperatura lalo na at gabi. Maraming tao ang naninirahan dito dahil malayo pa lang ay rinig ko na ang ingay ng baryo at ang mga ilaw na nanggagaling sa mga kabahayan.

And I was right, hindi nga ako nagkakamali, marami ngang mga tao. Sa tuwing napapadaan kami, lahay ng mata ng mga tao ay nasa amin. Maybe they're confuse kung bakit may dayo, o baka kay Chloe. Napunta kami sa isang bahay na hindi naman kalakihan pero sapat na para sa isang pamilya.

"Berting, ipasok niyo na siya sa kwarto ni Lyn at kukuha ako ng maligamgam na tubig at halamang gamot sa bakuran pampagaling sa kanya." sabi nung matandang babae, and I think asawa siya ni Tatay Berting.

Dahan-dahan nilang ipinasok si Chloe sa kwarto na sinasabi ng matandang babae. Nang may pumasok na isa pang matandang babae na may akay-akay na batang babae, and I think magkasing-edad lang sila ni Kylene.

"Pasing, nakatulog ang munting anghel natin dahil sa―" napatigil ang matandang babae nang makita niya ako. "Sino siya Pasing? At bakit marami siyang pasa at ang dungis ng kaniyang hitsura?"

"Mamaya ko na ikukwento sa iyo, Celia. Dalhin mo muna si Yna sa kaniyang kwarto."

Tumango naman ang matanda na si manang Celia.

"Hala sige," lumapit siya sa akin. "Okay ka lang ba, hijo? Mukhang hindi maganda ang lagay mo, ah?"

Ngumiti na lamang ako.

"Okay lang po ako, salamat po." tumango si manang Celia at umalis na at pumasok sa isa pang kwarto.

"Umupo ka muna hijo at magpahinga. Gagamutin ko muna ang kasama mo bago ka." sabi naman ni manang Pasing.

"Salamat po sa tulong niyo. Maraming salamat po talaga, manang." ngumiti siya.

"Tawagin mo na lang akong manang Pasing, yung isa namang babae si manang Celia mo, kapatid ko siya. Yung tatlo namang lalaki kanina, yung dalawa si Tasyo at Berto kapatid ko rin sila, at si Berting naman ay asawa ko." tumango ako ngumiti kay manang Pasing. "O siya, kukuha muna ako ng  halamang gamot sa aming bakuran at ipapakulo ko para gamutin ang kasama mo at magpahinga ka muna riyan." lumabas narin si manang Pasing.

Pagod akong sumandal sa upuan na gawa sa kawayan. I sighed in relief, at last, makakahinga na rin ako ng maluwag, akala ko ay walang makakatulong sa amin sa gubat, I thought aabutin pa kami ng umaga. Umupo ako ng tuwid nang makita kong lumabas narin ang dalawang kapatid lalaki at asawa ni manang Pasing.

"Salamat po sa pagtulong samin, maraming salamat po talaga."

"Walang anuman, hijo. Basta nakatulong kami sa nangangailangan, eh, handa kaming tumulong." sabi nung tatay. Hindi ko alam kung sino basta hindi si Tatay Berting.

"Magpahinga ka na muna diyan at kami ay may gagawin pa." sabi ni Tatay Berting, tumango ako at lumabas na rin silang tatlo.

Dahil ako na lang mag-isa sa loob, dahan-dahan akong tumayo at pinuntahan ko sa kwarto si Chloe. Pagkapasok ko sa loob ay siya na ang nakita ko, di parin nawala ang kaba at pag-alala ko sa kanya. Umupo ako sa tabi ng higaan habang matamang nakatingin sa kanya at dun ko lang napansin ang kabuuan niya. Naparumi na ng damit niya, bahagyang nagusot ang damit niya sa parteng kanang balikat, medyo nabuhaghag ang buhok niya pero kahit ganun ang ganda pa rin niya kahit na mumutla parin siya, hanggang ngayon.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon