A/N: Pagpasensiyahan niyo na kung may typos at grammatically wrong. Hindi ko inedit 😂✌
CHLOE'S POINT OF VIEW
Agad akong napasandal nang makapasok ako sa wash room. Pagod nako kanina pa at hindi ko na kayang makipag-plastikan sa mga tao dun. Sumasakit na nga tong panga ko sa kakangiti na peke naman, napahilot tuloy ako sa panga ko. Ang hirap talagang magpanggap na masaya ka sa harapan ng mga pero sa totoo hindi ka naman pala talaga masaya, napipilitan ka lang pala. Tapos patong paa ko nakikisabay din, kanina pa to nagrereklamo. Baka nga may paltos na tong paa ko. Hindi naman ako masyadong nagha-high hell, flats lang ang ginagamit ko tsaka rubber shoes kaya hindi sanay ang paa ko.
Napabuntong-hininga na lang ako at lumapit sa lababo. Inalis ko muna ang coat ni Steve na nilagay niya sa likuran ko. Napakabait talaga ng lalaking yun, gentleman pa. Hindi ki maiwasang humanga sa kaniya. Paghanga lang naman, si Kyle parin naman ang pinakagentleman kahit na may pagkamanyak ang isip nun, at mabait kahit na minsan iniinis ako.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Bumuga ulit ako ng hangin at dumaan na naman si Kyle sa isip ko. Tumalikod ako at sinandal ko ang pang-upo ko sa lababo. Napasimangot na lang ako habang iniisip si Kyle.
Gising na kaya siya ngayon? Sana naman gising na siya. At kung gising nga siya? Hinahanap ka niya ako ngayon? Baka hindi, baka nga sinabi na ni Tita Anne sa kaniya na si papa ang dahilan kung bakit siya na-hospital. Na ang papa ko ang nagpabugbog sa kaniya. Baka nga, kinamumuhian na niya ako ngayon lalong-lalo na si papa.
Napangiwi na lang ako habang ini-imagine yun. Parang hindi ko kaya. Wag naman sana, wag naman sana niya akong ipagtabuyan once na malaman niya yun. Pero may karapatan siyang malaman kung anong nangyari sa kaniya at may karapatan si Tita anne na sabihin kay Kylw ang totoo. Ano ba yan? Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa iniisip ko.
Tumingin ulit ako sa salamin. Bumuga nang napakalalim na hininga, inayos ko ang dress ko na medyo nagusot, sinuklay ko din ang buhok ko at kinuha ang coat ni Steve at lumabas na sa wash room. Pagkalabas ko, nakita ko si Steve na nakasandal sa pinto ng male wash room, actually magkaharap lang ang male at female washroom, kaya kaharap ko siya ngayon.
"Steve?" napatingin siya sakin. Tuwid siyang tumayo. "Anong ginagawa mo diyan?"
"Actually I'm waiting for you. Tita Malou told me na nasa wash room ka daw, so I followed you."
"Bakit? May problema ba? May sasabihin ka ba?"
"Its about Kyle." nawala ang pagod na nararamdaman ko kanina nang banggitin niya ang pangalan Kyle. "He's awake." nasapo ko ang bibig ko dahil sa sayang nararamdaman ko.
Gising na siya. Thank you lord. Gising na ang asawa ko.
"T-talaga? Salamat Steve." napayakap na lang ako sa kaniya, saglit lang naman dahil di ko mapigilan ang saya ko. Agad akong humiwalay sa kaniya. "Puntahan natin siya ngayon na Steve! I want to see him." magsasalita na sana siya kaso hinawakan ko ang kamay niya at patakbong nilisan ang wash room.
Nang may naalala ako dahilan para mapatigil ako. Hindi dahil sa sumasakit ang paa ko dahil sa high heel, kundi naalala ko ang sinabi ni Tita Anne sakin.
"Hey, why did you stop?" tanong ni Steve. Tumingin ako sa kaniya, binitawan ko ang kamay niya kaso pinigilan niya ako, mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. "What is it?" alalang tanong niya.
"Naalala ko, hindi na pala ako pwedeng makipagkita kay Kyle. Si Tita Anne na mismo ang nagsabi sakin." lungkot kong sagot sa kaniya at nagbaba ng tingin.
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Teen FictionB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...