MARAHAS na nagpakawala ng isang hininga si Kyle nang makitang pababa ng hagdan si nanay Pasing, dala ang isang tray na may lamang pagkain. May dala-dala itong pagkain, it means that his wife didnt eat, again.
Nasandal na lamang niya ang likod sa backrest ng sofa, hindi na muna siya pumasok ngayon sa opisina at inutusan si Lyn na ipadala na lamang ang mga paperworks sa bahay nila para dito na niya ito ta-trabahuin at ito na muna ang bahala habang wala siya sa kompanya. He wants to accompany his wife and be there with her, lalo na dinidbdib nito ang pagkawala ng prinsesa nila. Hes worried sick dahil hindi pa ito kumakain, ganito na lamang ang inaakto nito, hindi lumabas ng kwarto, hindi nakikipag-usap kahit sa kaniya o ni nanay Pasing, nagkukulong lang sa kwarto. Sabay man silang natutulog pero hindi naman siya nito kinikibo, naaapektuhan na tuloy ang pagsasama nilang mag-asawa dahil sa nangyari.
Tapos maririnig na lamang niya itong humihikbi, at parati iyong nangyayari sa gabi. Kahit na pagod at puyat galing sa trabaho, gigising siya para aluhin at yakapin ito. Chloe keeps on murmuring their babys name tapos iiyak kalaunan, mas lalo lang lumala ang sitwasyon nilang dalawa kaya napagpasiyahan niya na huwag munang pumasok sa trabaho.
"Looks like wala na naman siyang ganang kumain?" tanong niya sa matanda na papalapit sa kaniyang gawi.
Nilapag ng matanda ang tray sa mesa at umupo sa sofa.
"Ako ang natatakot sa ginagawa ni Chloe, hijo. Hinahayaan niya ang sarili niyang magutom, ni hindi kumikibo, ni hindi niya tayo kinakausap." bakas sa boses ng matanda ang hinanakit at pag-alala sa kaniyang asawa. "Simula nang mawala si baby Chlea, nagbago na lahat ng sitwasyon, pati si Chloe, talagang dinidbdib niya ang pagkawala ng anak niyo. Naiintindihan ko siya, pero dapat sana magpakalakas siya at maging matatag para sa anak niyo."
Napahilamos na lamang siya nang wala sa oras. Its been a one and a half year nang mangyari ang insidenteng yun, pero hanggang ngayon ay wala paring lead kung saan dinala ni Lydia ang kanilang anak at wala paring lead ang mga pulis sa location kung nasaan ang matanda ngayon o may kalapit bang kamag-anak ang matanda. Pinuntahan narin nila ang agency na siyang nagrekomenda ni Lydia sa kaniya para kunin ang impormasyon ng matanda, agad naman na rumisponde ang mga pulisya sa lokasyon na nakalagay sa impormasyon ng matanda. Ngunit pagdating nila mismo sa lugar kung saan nakatira ito ay wala na silang madatnan na tao sa tahanan nito, napag-alaman na lamang nila na umalis na ito kasama ang asawa, base iyun sa mga taong nakatira sa kanilang lugar. Hanggang ngayon tinatrabaho parin ito ng mga pulis at ang mga magulang nila ang mismong nag-aasikaso sa kaso, pero wala paring resulta hanggang ngayon.
Walang humpay na mura ang kumalawa sa bibig niya, kasalanan niya kung bakit nangyayari ito. Kung hindi niya sana kinuha si manang Lydia bilang katulong niya, edi sana kasama pa nila ang anak nila ngayon, edi sana nasa bisig pa nila ito ngayon at wala sa ibang tao. Its all his entire fault kung bakit nawala ang nag-iisa nilang prinsesa, hinding-hindi talaga niya mapapatawad ang sarili kapag malamang may masamang mangyari sa asawa niya dahil sa ginawa niya. Matatag siya sa labas pero lugmok na siya sa loob, mas nalulugmok siya na nakikita nag asawa na nalulunod sa sobrang lungkot dahil sa nangyari sa anak nila. He's in the verge of giving up, pero kailangan niyang magpakatatag, para sa anak niya at sa asawa niya, he's a useless father and a husband if he give up easily, just like that.
Naramdaman na lamang niya na may kamay na humawak sa kaniyang braso, tumingala siya napatingin kay nanay Pasing, malungkot siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ng matanda. Marahan na pinisil ng matanda ang kaniyang pisngi.
"Nagiging matatag ka man sa paningin namin, pero ramdam ko at alam kong nahihirapan karin katulad ng asawa mo sa mga nangyari. At hanga ako sayo dun, talagang pinakita mo sa amin ang pagiging isang padre de pamilya ng bahay na ito." marahan nitong hinaplos ang kaniyang buhok. "Magpakatatag kayo, huwag niyong kakalimutan na may isa pa kayong anghel sa bisig niyo, alam kong hindi magiging madali ang mga susunod pang mga araw sa inyo dahil sa nangyari, pero lakasin niyo lang ang loob niyo, Alalahanin niyo si baby Kyrus, hijo."
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Teen FictionB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...