Chapter 33: Wipe my face

70 2 0
                                    

Thirty Three

Shaney's Pov

"Angel, ikaw na gumawa ng conclusion natin ha?" yan ang huling sinabi sakin ni Lei bago kami maghiwa-hiwalay kahapon. After kasi ng swimming dun sa falls at kumain ng mabilis bumalik na kami agad sa kweba tapos nagyaya nang umuwi si Drift. Masyado nga siyang nagmamadali at sabi niya may mahalaga daw siyang gagawin.

  Lahat nga kami nanibago sa biglang pagdadivert ng mood niya. Ang hirap namang isipin na dahil yun sa narinig niya sa usapan namin ni Shiver. IF EVER NARINIG NIYA NGA YUN. Ang naisip ko na lang e baka may LQ sila ni Hanna.

  Kaya heto nga ako ngayon at abala sa pagagawa sa aming conclusion at pagdidikit ng mga samples sa copon bonds.

"Bakit naman kasi sayo na iniasa lahat ng to? Kaya nga group project e," sabi ni Hail tapos umiling iling pa. Buti na lang at nandito ang dalawa kong bestfriends para tulungan ako.

"Ano bang aasahan mo sa mga Atienza na yun!" sabi ko na lang.

"Si Hanna, bakit di siya tumulong?" sabat naman ni Pinky.

  Binigyan ko siya ng 'ano-kayang-maaasahan-ko-dun' look. And its a miracle na naintindihan niya ang ibig kong sabihin.

"Namimiss ko na si Nick my labs ko!!" biglang sigaw ni Hail sa kalagitnaan ng pagagawa namin. Super crush nga pala ni Hail si Kuya Nick noon pa man. Nilingon namin siya ni Pinky na naniningkit ang mga mata. Pano kasi, makasigaw wagas. -_-

"Kelan ba siya babalik, Shaney? Miss na miss ko na siya!!! Kamusta na kaya siya? May natutuluyan naman kaya?" mas OA pa to ke Mom e.

  Bigla namang may sumapok sakin. Not literally, but mentally. May bigla kasing pumasok sa isip ko kaya yun na din yung pakiramdam ko.

"Hail," sabi ko nang magpatuloy na kami sa ginagawa namin.

"Hmm?"

"Kung magkakagusto ka sa mga Atienza, sino sa kanila?" namilog ang kanyang mata sa tinanong ko.

"What?" she said while chuckling.

  Tinaasan ko siya ng dalawa kong kilay sign na sagutin na lang niya ang tanong ko.

"Okay. Kung magkakagusto ako? Siguro si..." she paused, "Drift,"

"What?!" sigaw ko. How could she? So habang magkasama kami pinagnanasahan niya si Drift?!

"Hahahahaha," naasar ako sa tawa niya, "Kung makapagreact parang girlfriend ka parin niya ah?" pretend girlfriend you mean, Hail =_=

"Tss. Ewan ko sayo," nasabi ko na lang.

"Hahaha," sinamaan ko na siya ng tingin, "Sareh!" *peace sign* "Actually not that kind of like e, I mean kung sa pogi check na check siya. But I don't like his attitude." may point siya don. Miski ako di ko alam kung bkit sa kabila ng masama niyang ugali gusto ko parin siya. "Kung over all ang pag uusapan, kay Lei ako." napatingin ako sa sinabi niyang yun na gulat na gulat.

"Talaga?" tanong ko.

"Yup. Masarap magluto, masiyahin, mabait, gentleman, gwapo. Nasa kanya na yata lahat e." sabi niya na parang wala lang sakanya.

"E bakit hindi mo siya gawing kaibigan?"

"What?! Hindi naman ako ganung klaseng babae no. May pride din ako." taas noo niyang sabi.

  Inirapan ko na lang siya.

  Lunes ng umaga ay ipinakita na namin ang nasimulan namin kay Mrs. Montero. Kasi sa dami neto hindi agad kami matatapos. Kaya sabi nya at least daw may napapakita kaming nasimulan namin.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon