Chapter 12: Sensitive

177 3 0
                                    

 Twelve

"San kayang club makasali? Ikaw Shaney? San ka?" tanong sakin ni Hail habang nanunuod kami ng mga estudyanteng abala sa pagpili ng club na kanilang sasalihan.

Monday ngayon. Isang linggo na rin ang nakakaraan matapos kong sumama kina Lance sa bar. Isang linggo na pero nung nagkita kami non ni Drift kinabukasan sa room parang walang nangyare. Nakakasalubong ko naman siya sa mga corridors at diba may ibang subject kaming magkaklase at paminsan minsan kinakausap nya naman ako dahil narin nina Shiver, Lei at Joven kaya napapansin nya ako kahit di nya ginugusto. Makukulit sila kadalasan sa room tuwing klase. Magaan na ang loob ko sa kanila at napagkaalaman ko din na mababait pala sila. Di sila yung tipong mayayaman at mga sikat na matataray at mga suplado. Nagsorry din naman sakin si Shiver kinaumagahan dahil sa naasal nya nung gabing yun. At naging okay din naman agad sila ni Drift.

"Siguro yung music club lang, alam mo namang wala akong ibang talent kundi ang pagtugtog ng piano diba?" sagot ko kay Hail at sumulyap ako sa estante para sa club ng 'Musicalista'. Napangisi ako, masaya ako at makakatugtog na naman ako. Sana lang makapasa ako sa audition.

"Marunong ka din namang lumangoy diba? In fact, sabi nung coach natin sa swmming lesson nung nasa mansyon tayo e may potentials ka daw para maging mahusay na swimmer. Practice lang daw." sabi ni Hail

Ngayon ang University Week Festival. Meaning buong linggong walang klase at puro clubs lang ang aatupagin. Auditon doon, audtion dito. Kaya naman masayang masaya ang mga tamad na estudyante. Well, karamihan naman ng estudyante dito mga tamad, nagagawan lang ng paraan ang mga grades kasi may mga kapit, mayayaman e. 

Napaisip ako sa sinabi ni Hail at napatingin sa 'Trison's Swimmers' na estante. Oo nga no, try ko din kayang magaudition dyan? Nakatayo lang kami nina Hail at Pinky sa isang banda at nagpapasya kung anong mga sasalihan nang biglang mahuli ng atensyon namin ang mga Atienza na naglalakad kasama si Lance.

Napaka-cool nilang tingnan. Halatang mayayaman at mga susyalera't susyalero. Kahit magpipinsan sila para din silang isang solid na barkada. Bumabati sila sa halos lahat ng nadadaanan nila nang biglang napatingin sa dereksyon namin si Lance at nagsalita. Napalingon naman silang lahat samin kabilang na si Drift na deretso namang sakin napatingin. Lumapit sila samin.

"Shaney, anong sasalihan mo?" pambungad sakin ni Lance pagkalapit nila samin. Gosh! I miss my bestfriend.

"Uhmm.. Sa Musicalista lang siguro?" sagot ko sa kanya pero kay Drift lang nakatuon ang atensyon ko

"Talaga? That's nice. You must boost your talent, angel." sobrang lawak ng ngiti na sabi ni Lei at tinapik ang balikat ko. Napagalaman kong sya ang pinaka-jolly sa kanila pero babaero din. Cute nya kasi, tipong singkit na gwapo pero cute in the same time. Matangkad din sya pero mas matangkad parin sa kanila si Drift. Hindi ko parin alam kung bakit angel ang tawag nya sakin

Nginitian ko sya, "Bakit nga pala angel ang tawag mo sakin, Lei?" 

"H-Ha? Uh-Uhm. Ano kasi e." pansin ko ang pamumula ng pisngi nya at pagkabalisa habang kinakamot ang batok

Shiver cleared his throat, "I'll support you Shaney! I bet your really are good in playing piano."

"Naku, oo naman Shiver, si Shaney pa!!" napayuko naman ako sa hiya at saka binunggo si Pinky warning na wag nya akong ipagmayabang. Tumingin naman ako kay Drift pero lumilinga-linga lang sya sa paligid. Nasaktan ako. Chos! Kasi di sya sakin nakatingin.

"Uhm, e kayo? San kayo sasali?" pag iiba ko ng topic

"Kuya Drift, Joven, Lei and Shiver are always in basketball since highschool pa kami dito and I'm at our dance troupe." sagot ni Tracy ng malumanay. Hanggang ngayon di parin ako makaget over na kapatid pala ni Tracy si Drift. At hindi lang pala basta magkapatid, kambal sila at ilang minuto lang ang tanda ni Drift sa kanya. Napamura pa ko sa sarili kasi hindi ko man lang agad yon napansin e halos pinagbiyak nga lang silang bunga. Nasabi ko na din kina Hail at Pinky at halos malaglag din ang panga nila sa binalita ko.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon