Twenty
Nang makarating ako ay agad kong nakita sina Mom at Yano na nakaupo sa isa sa mga waiting station doon. Napansin ko agad ang namumugtong mata ni Mom at si Yano na nakatungo habang kinukuskos ang likod ni Mom.
“Mom!” sigaw ko at dinaluhan ang dalawa. Tumayo sila at niyakap naman agad ako ni Mom. Nang kumalas ako ay nakaramdam ako ng awa at lungkot sa nakita kong mata ni Mommy ngayon.
“Mom, ano pong nangyari? Nasan si Dad?” sunod-sunod kong tanong sakanya.
“Shaney, nagsampa ng kaso ang may ari ng Casino sakanya dahil sa malaking halagang inutang niya sa kanila. Pansamantala nilang ikukulong ang Daddy mo para sa assurance na hindi talaga niya tatakbuhan ang mga ito.” Nagulantang ako sa sinabi ni Mommy. Iyon pala ang sinasabi sakin ni Kuya.
“Wag kang mag alala Mom. May awa ang Diyos. Hindi niya hahayaang makulong si Dad dito.” Sabi ko at hinaplos ang braso niya. “Pwede ko po bang makita si Dad ngayon?”
“Hindi pa pwede Shaney, nasa opisina pa siya ng mga pulisya at pinaguusapan pa nila kung magaattorney siya para malampasan niya ang kasong ‘to.”
“Siyempre naman po ma. Dapat lang na labanan ni Dad ang kasong ‘to.” Sabi ko ng may dignidad na tono sa boses.
Tumango si Mom, “Pero Shaney, lubog na lubog na tayo. Sinabi ng Dad mo na baka hindi na siya ang humawak ng La Cortez since wala na siya sa posisyon. Ngayong nakakulong siya ay baka tuluyan nang makuha ng mga Mendez ang lahat ng shares at tumaas na ang pagkukulang niya bilang isang partner.” Sa pagkakataong iyon ay napaawang na ang aking bibig.
“Mom, hindi pwede iyon. Pano na lang ang lahat ng pinaghirapan ni Dad sa kompanyang iyon?” tanong ko sa halos pagaral-gal nang boses.
“Since wala ka pang alam sa business at ako rin naman ay culinary ang kinuha noong nagcollege ako, hihingi din sana ako ng pabor sayo anak. Hanapin mo ang Kuya mo. At papakiusapan natin siya na siya muna ang gumawa ng trabaho ng Dad mo.” Aniya at gumaya ako sa pag upo nilang dalawa ni Yano.
“Alam ba ‘to ni Dad, Mommy?”
“Hindi natin sasabihin sakanya. Pero pakiramdam ko dahil wala na din siyang choice ay papayag na din yun pag nalaman niya.”
Napagdesisyunan naming bumalik muna sa bahay para makapagpahinga. Hindi ko naiwasang hindi isipin ang lahat ng nangyayari habang nasa byahe kami. Bakit nangyayari ang lahat ng ito sa amin? Bakit kami pinahihirapan ng ganito?
Mabilis lumipas ang magdamag at narito na naman ako sa harap ng gate ng Trison kinabukasan. Ngayon ang entry ng try out para sa Trison’s Swimmers at naalala kong nakalista nga pala ako doon. Kaya nagdala ako ng swim suit para maging handa nadin kahit ang buo kong pagkatao ay hindi handa. Hindi rin ako gaanong nakatulog dahil sa dami ng iniisip ko.
“Shaney, nabalitaan ko ang nangyari sa Dad mo.” Ani Hail nang magkita kami sa isa sa mga benches doon kasama si Pinky.
“May pinagdadaanan ka na palang ganito hindi mo man lang kami naiisipang sabihan..” sabi naman ni Pinky sa tono ng pagtatampo. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko na punong puno ng pag aalala sa kanilang mga mata. Bakit nga ba hindi ko sila nasabihan? Pero paano ko na lang magagawa iyon kung miski ako ay nabibigla sa lahat ng nangyayari samin ngayon.
“Shaney..” bati sakin ni Lance na ngayon ay mag isa. Hinanap ko ang presensya ni Tracy ngunit wala akong nakita.Hilaw na ngiti lang ang binigay ko sakanya.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...