[Shaney on the link! ♥]
Fourty three
"Kuya Drift!" napatingin kami parehas sa biglang sumigaw.
Patakbo siyang umakyat sa may hagdan since nasa may gitna palang kami ni Drift. Yumakap ito sa paanan ni Drift at hinila hila ang manggas nito.
Tumawa siya ng mahina at binuhat ang batang babae, "Lexi, ang laki mo na nagpapabuhat ka parin."
Ngumuso naman ang bata na sa tingin ko'y nasa 5-6 years old.
"Hindi pa ko malaki Kuya," sabi nito habang pinisil pisil ang pisngi ni Drift. Patago naman akong napatawa sa naging hitsura niya nang gawin iyon nung Lexi daw.
"Malaki ka na, dapat hindi mo na pinapagod si Tita Olive sa pagbubuhat." Drift said and put Lexi down.
Muling nag pout ang bata at kumuyabit sa hita ni Drift.
"Why didn't you visit here last Christmas? I was waiting for you."
Nagsquat si Drift para makapantay ang bata. Napangiwi naman ako sa loob loob ko. Seriously? Dito sila mag uusap, sa gitna ng hagdan?
"Sorry baby. Kuya has been very busy this past few days." ngumuso lalo ang bata. Gusto kong matawa dahil sa hindi matigil na pagtatampo nito kay Drift, "Siya nga pala, Lexi this is ate Sha-"
"Lexi?" pare-parehas kaming napalingon sa tumawag sa paanan ng hagdan. Si Sir Alejandro katabi ang isang magandang babae na nasa mid 30's.
Agad na binuhat ni Drift si Lexi at tumingin sakin. Tumango naman ako at sabay-sabay kaming bumaba sa hagdan na agad namang sinalubong ni Sir Alejandro at ng magandang babae. Matamis na ngiti ang ibinigay ko sa Daddy ni Drift kahit umaapaw na ang kaba sa dibdib ko.
"Lexi, 'wag ka na ngang mag pabuhat sa Kuya Drift mo." ani ng magandang babae na katabi ni Sir Alejandro, nakasimangot naman na bumaba si Lexi na bahagya naming ikinatawa ni Drift.
"Ginugulo ba kayo nitong si Lexi?" Sir Alejandro said and laughed. Tumawa lang kami habang halos hindi na maipinta ang mukha ni Lexi.
"By the way, Dad. Si Shaney." pakilala ni Drift sakin na ikinabigla ko. Tumatawa pa ko tapos bigla niya akong ipapakilala. Nakakahiya tuloy.
Agad akong tumigil sa pagtawa at umayos ng tayo, "Good evening po,"
Nag alangan pa kong sabihin iyon dahil hindi ako sigurado kung gabi na nga dito pero nung naalala kong madilim na nung nakarating kami dito ay nakahinga ako ng maluwag.
"Hello hija," kinabahan ako nang maglakad siya palapit at bigla akong higitin para sa isang mahigpit na yakap. Napailing ako sa isip ko, mukhang anak nga ito ng Lolo ni Drift, si Sir Alejandro Sr.
Ngumiti ako pagkatapos ng awkward na yakapan na nangyari. Hindi ko alam kung nadala lang siya sakin pero ngumiti rin siya nang magkaharap na kami.
"Shaney Cortez?" tanong niya na parang hindi pa sigurado na ako nga ang kaharap niya ngayon.
Tumango ako habang pilit na nakangiti, "Opo,"
Nawala ang ngiti niya at tumungo saka nagbuntong hininga. Halos mapatulala ako, hindi ko maikaila ang iisang kurba ng mukha na pinagsaluhan ng mag ama. Magkamukhang magkamukha sila ni Drift. Well, yung mata siguro niya ay sa Mommy niya nakuha dahil medyo mas bilugan ang mata nitong si Sir Alejandro.
"I've been waiting for this moment, hija. Sobrang sobrang sorry sa nangyari sa party." sabi niya at hinawakan ang magkabila kong kamay, tumingin siya saglit kay Drift at sakin na ulit. "I was totally shocked. You know, your father is also my friend in some matters kaya ikinagulat ko talaga na nakulong siya."
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...