[una sa lahat, patawad sa super out of occasion na setting na 'to. Christmas kasi sa mundo nina Shaney. Pangalawa, sinabi ko sa author's note na hindi ako sigurado kung kelan ako makakapag-update, so heto na talaga ang chapter 41. Pangatlo, sorry talaga kasi naging sobrang tagal ng update na 'to. Nag ayos pa kasi ako at aaminin kong ineedit ko pa yung ibang parte. Yun lang, so sana magustuhan niyo ang napakahabang chapter na 'to! Thank you kasi binabasa mo 'to. ♥]
"Merry Christmas, honey..." ani Mommy at iniabot sakin ang kulay pulang paper bag niyang hawak. Kinuha ko iyon at ngumiti.
"Thank you, Mom." tapos ay niyakap siya.
Sunod na nagexchange gifts sina Mom at Dad. Nakakatuwa pa nga kasi nagcheer kami na magkiss sila, nagjojoke lang kami pero ang mga haliparot, nagkiss nga. HAHA
Yes. Christmas eve na ngayon at nagpapalitan kami ng regalo. Limang araw na matapos kaming makarating dito sa Tagaytay. At kung tatanungin niyo ako kung kamusta ang limang araw na pagi-stay namin dito, isa lang ang masasabi ko: MASAYA!
Sobrang saya! Halos lahat na ng pwedeng gawing libangan ay nagawa na namin. Horse backriding, picnik, super nakakahilong zip line. We even climb the volcano! Super duper saya, at aaminin ko naging extra happy pa dahil kasama si Drift.
"Adrian, Merry Christmas!" nag abot si Drift ng isang paper bag at ginulo ang buhok ni Yano. Napangiwi naman ang kapatid ko pero ngumiti din nang kunin na niya ang laman ng paper bag.
"Whoa! Thanks kuya!" abot tenga ang ngiti niya nang alisin niya sa kahon ang kulay black na sapatos na may tsek na puti sa magkabilang gilid.
Tumawa naman si Drift, "Ayos lang maadik sa sports ha? Basta 'wag pababayaan ang studies!"
Tumawa lang si Yano at tumango. Napangiti ako, sobrang close na nga talaga nila. Nakita ko rin ang pag ngiti nina Dad.
"So... Tara na, kain na tayo?" sabi ni Mommy at tumayo na.
Bigla naman akong napangiwi. Ha? Kakain na? E wala pa yung regalo ni Drift sakin e. Tiningnan ko si Drift at nagulat ako nang tumayo na rin siya.
"Let's go, nakakagutom na nga. Hehe" sumabay siya kay Mommy papunta sa may dining area habang ako natigilan sa kinauupuan ko.
Seriously?! Wala talaga siyang regalo sakin?! Hindi ako makarecover!!
"Shaney..." nagitla ako sa nagsalita at nilingon si Dad na nasa tapat ko nakaupo sa isa pang sofa, "Here," may iniabot siya saking, ewan? Folder yata iyon?
Binigyan ko siya ng nagtatakang ekspresyon pero nagkibit lang siya ng balikat, "Open it for you to find out."
Napanguso naman ako. May nalalaman pang ganun si Dad. Nakakatawa.
Binuksan ko rin naman at nagulat ako kasi may nakita akong naka-pin dun sa folder. Isa iyong resibo.
"W-what's this, Dad?" tanong ko para masigurado.
"The reciept of your new organ, honey."
Nanlaki ang mga mata ko, as in namulaga ako at nabalot ng saya ang puso ko.
"P-pero nagagamit ko pa naman po yung luma kong—"
"Pinagbili ko na anak, at ibinili kita ng bago at mas maganda. Nasa music room na siya sa mansion. You'll be excited to see it pabalik natin sa manila." nakangiti na sabi ni Dad.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo ako para yakapin siya.
"Thanks Dad! Thank you so much!!" hinaplos niya ang buhok ko.
"Merry Christmas, anak. Sorry sa lahat ng nagawa kong pagkakamali. I'll be a better Dad, I promise."
Humarap ako sakanya at sinubukang ngumiti ng maayos.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...