Chapter 40: I'm your man

137 3 0
                                    

Fourty

“Ma, bakit niyo ba kasi yinaya si Drift?!” himutok ko kay Mommy nang nakasakay na kami sa van. Nagdadrive si Dad at katabi niya si Mommy. Habang kami naman ni Yano ay magkatabi sa back seat.

“Ang rude mo naman anak. Bakit hindi natin pasasamahin yung tao e kawawa nga. Sabi niya wala siyang kasama sa darating na pasko.” – Mommy

“Oo nga naman, Shaney. Bakit ba parang ayaw na ayaw mo dun sa tao e mukhang mabait naman?” – Dad

“If I know, nagdahilan lang yun, kunwari e wala siyang makakasama sa Christmas. Nagparinig lang yun sayo Mom, nagpauto ka naman po.” Hindi nila sinagot ang sinabi ko, bagkus ay nagkatinginan lang sila at sabay na ngumisi. “O my gosh, Dad, Mom! Stop that!” alam ko na kasi ang mga ganitong hitsura nila. May kung ano silang iniisip. Mga malisyoso. Tss

“I like Kuya Drift, bitchy. Kaya kung hindi siya niyaya ni Mommy, yayayain ko parin siya.” Napatingin ako kay Yano na nagp-PSP sa tabi ko.

“Whut?!!” nagkibit ako ng balikat sa sinabi niya, “And bakit nga ba suddenly nagustuhan mo na siya? Di ba ayaw mo naman sakanya nung una?”

“Well, I have to agree na ayaw ko nga sa kanya nung una, pero okay din naman pala siya.” Sagot niya na mas ikinainis ko.

“What ever!!”

“Sabihin mo nga bitchy, anong nagawa ni Kuya Drift sayo, at ganyan ka na lang magalit sakanya?” bigla niyang tanong na hindi parin inaalis ang tingin dun sa nilalarong game. Napaisip naman ako dun sa tanong niya. Hindi agad ako nakasagot. Nakita kong tumingin din si Daddy at Mommy mula sa rear mirror at sinilip ako don.

“Fine! Panalo na kayo!” nagtaas ako ng kamay. Tumawa si Mommy sa inasal ko tapos tumingin sakin si Yano.

“Hindi mo sinagot ang tanong ko,” sabi niya na nakataas ang kilay.

“You don’t care kung ano mang dahilan ko, maglaro ka na nga lang diyan!” pagmamataray ko sakanya. Nagkunot siya ng noo tapos binelatan ako. Yung totoo, 17 years old na ba talaga ang kapatid kong ‘to? Kung umakto parang 7 years old na bata.

Napailing na lang ako sa isip ko.

Nasa byahe na kami papunta sa Tagaytay. May katagalan ang byahe at oo, kasama namin si Bagyong Drift. Sa sobrang kayabangan niya at umaapaw na confidence sumama talaga siya samin. Lakas ng loob no? Grabe wala na talaga akong masabi sakanya.

Nung Saturday, nasa bahay din siya at kasama namin siyang sumalubong kay Daddy. Hindi ko siya pinakilala as friend,  manliligaw, lalo na bilang boyfriend kay Dad. In fact, hindi ko siya pinakilala at all. Pero dahil nga sa umaapaw niyang self-confidence ay pinakilala niya ang sarili niya. Nagustuhan siya ni Dad, pero sinabi ko sakanila na hindi ko siya kaano-ano. Bahala siyang magmukhang ewan mamaya pag magkakasama na kami. Pasama-sama pa kasi siya hindi naman siya welcome para sakin.

Akala niya yata nakalimutan ko na yung mga ginawa niya. Sila ni Hanna. Ni hindi pa nga siya nagpapaliawanag sakin. Teka? Bakit naman siya magpapaliwanag sakin e hindi niya naman ako girlfriend?!

Pero hinalikan niya ako, dapat niya akong panagutan! Aaargh! I sound like a desperate wanna be!

Boto sakanya lahat ng family ko at mas nagpainis lang yun sakin. Well, hindi ko alam kung pati si Kuya Nick.

Kuya…

Bigla ko siyang naalala. Mas masaya siguro kung kasama namin siya. Pero hanggang ngayon hindi ko parin siya makontak. Laya na si Dad, hindi ba pwedeng bati na sila at burahin na sa bokabularyo ang salitang pride? Isa pa, first time naming magpapasko na hindi kumpleto. Nasan kaya siya ngayon?

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon