Chapter 7: Where is Y?

185 5 0
                                    

Seven

Shaney Ysabela Cotez's POV

Nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko.

May tumulo na namang luha sa mata ko at pinahid agad iyon.

Two days ago gumawa ako ng eksena sa room ko sa first day ko bilang college student. Anong ginawa ko? Sinampal ko ang pinakawalang kwentang taong nakilala ko sa buong buhay ko. Matapos ng pangyayare, nagpasundo ako kay Mang Leo at hindi parin pumapasok. Wednesday na ngayon ng tanghali. Kinulong ko ang sarili ko sa kwarto.

Nagdadala lang si Manang Lily ng pagkain para hindi ako malipasan ng gutom. Nalaman na din nina mommy ang nangyare dahil kinuwento ko sakanya kahapon nung pumasok sya dito sa kwarto ko.

Ang Calil Pianists, hindi ko na magagawang tuparin ang pangarap ko sa Rome. Sarado na ang tanggapan para sa mga maga-audition at useless na din kung ipasa ko pa at ipagmakaawa ang mga basang papeles.

Depressed na depressed talaga ako sa nangyari. . .

-

I woke up when i felt someone rubbing her hand at my hair. Nilingon ko ang taong iyon, si Hail..

"Hi Shaney.." malambing nyang bati sakin. Umupo ako mula sa pagkakahiga at nakita ko sina Pinky at Lance sa may paanan ng kama. "You okay? Two days ka nang hindi pumapasok ah?"

"Im okay..." i said with a sleepy voice. Nang makita ko silang lahat na puno ng pagaalala sa mga mata ay di ko naiwasang mapaluha. 

Lumapit si Lance sa kama at niyakap ako ng mahigpit. "Shh.." he said while rubbing my back. Kumalas sya sa pagkakayakap, "Its okay my Shaney, Sige na. Spill it out, makikinig kami."

Medyo mahapdi na ang mga mata ko dahil sa mahabang pag-iyak kaya pinilit ko ang sarili kong tumahan. "Ahmm.."

"Come on Shaney.." lumapit na din si Pinky. Ngayon pinagsasaluhan naming apat ang kama ko. Buti na lang malaki 'to. Tumingin muna ako sa wall clock ko, 6:30 pm na pala, ang tagal kong natulog. Tapos na siguro ang mga klase nila. Sa suot nila mukhang dito agad sila dumeretso.

Kinuwento ko sakanila ang tungkol sa nangyari. May mga part na pinuputol ako nina Hail at Pinky pero pinapatahimik sila ni Lance at sinasabing saka na magreact pagkatapos kong magkwento.

Nang matapos na ako ay nakanganga si Hail, tulala si Pinky at walang emosyon si Lance.

"What? Yun na yun. Sinira ng lalaking yun ang pangarap kong makapuntang Rome. Alam nyo naman guys kung ganu ko pinaghandaan yon diba?"

Wala paring nagsasalita hanggang sa makapagreact na si Hail, "Shaney... You just bumped your ass to Trison University's heir!" ako naman ngayon ang napanganga. Naguguluhan ako.

"You really don't know, do you?" lalong nakapagpagulo sakin ang sinabi ni Lance.

"Wait! Ano bang pinagsasabi nyo?"

"Drift Trison Atienza." simpleng sagot ni Pinky. At natulala ako.

Saka nagawang magreact ulit, "Ha?"

"Minsang try mong mag-check ng facebook ha?" sabi ni Pinky.

"Hindi mo kasi tiningnan yung pinapakita ko sayo nung nagfefacebook ako eh, hndi mo alam kung gano kayaman, kasikat at kagwapo ng binangga mo!" sabi ni Hail.

"Shut up both of you!" nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Lance. "You think na yan parin ang importante sa ganitong sitwasyon?" napayuko sina Hail at Pinky.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon