Chapter 39: Come with us

69 3 0
                                    

Thirty Nine

Sa pagkabigla ko ay napatayo na lang ako at walang anu anoy iniwan ang pagkain at mga kaibigan kong tulala din sa may mesa. Dumiretcho ako sa may soccer field habang naluluha luha ang mga mata.

"Shaney!" napalingon ako sa tatakbong palapit sakin. Si Lance. "May sa kabayo ka ba?! Ang bilis mong tumakbo" aniya ng hinihingal pa.

"Bakit ka pa ba sumunod, okay lang ako ano!" sabi ko, pinipilit gawing normal ang boses kahit medyo pumiyok ako sa huling salita. Nag iwas na lang ako ng tingin sakanya at umupo sa paboritong bench na lagi kong inuupuan. Tanaw na tanaw mula rito ang lawak ng soccer field.

"Oh," napalingon ako kay Lance na tumabi sakin at iniaabot ang sandwich na naiwan ko kanina sa mesa namin, "Kainin mo yan, kundi pepektusan kita" hindi ko kinuha ang iniaabot niya, bagkus ay ibinalik ko ang tingin ko sa mga nagtretraining na soccer player sa field. Malamang ay may sasalihan silang inter game sa ibang unibersidad.

"Osige, pag di mo to kinain makakatikim sakin yung Drift na yun," hinarap ko ulit siya sa sinabi niya at walang anu anoy hinablot sakanya ang sandwich at inirapan siya, "What the hell?! Yun lang pala ang magic word?" iiling iling niyang sinabi. Kumagat na lang ako sa sandwich at inirapan ulit siya.

Parehas kaming nanuod na lang muna sa mga nagtretraining hanggang sa makakalahati na yung sandwich ko.

"Hindi naman lahat ng nagmamahal tanga. Pero Shaney, sana alam mo din kung kelan ka titigil. Kung kelan alam mong dapat tama na." napalingon ako sakanya, walang maisagot. Sumimsim na lang ako sa juice na inilapag niya kanina sa pagitan naming dalawa.

Isang linggo ang mabilis na nagdaan at isang linggo na lang ay christmas vacation na. Ang bilis ng araw. Dumaan ng mabilis ang linggong iyon na hindi pinapansin si Drift. Though hindi ko na naman nakitang nagkasama ulit sila ni Hanna ay hindi ko parin siya pinapansin. Bahala siya!

Binati ako ng dalawa kong kaibigan pagkaupo ko at naupo na din sa gitna nila.

Halos napatalon ako sa biglang kumalabit sakin sa likod. Lumingon ako para alamin kung sino at nakita ko ang nakangising si Drift.

"Hey, you okay?" tanong niya. Seryoso ba siya? Alam niyang nakita kong hinalikan siya ni Hanna pero may gana pa siyang itanong yan?!What the fudge?!!! Nang naalala ko ang nangyari ay inirapan ko na lang siya at humarap na ulit sa unahan.

Pabalikwas akong lumingon ulit sa likod nang may kumalabit na naman sakin.

"ANO BA-- Lei?" okay, napahiya ako don. Bumakas ang gulat sa mukha ni Lei. Nahuli ko naman ang paghagikhik ni Drift sa tabi niya. Wat ever Atienza!!!!

"Uhm, alam mo ba kung bakit di pumasok si Shiver?"tanong niya na medyo ikinagulat ko. Absent si Shiver? Hindi ko yun napansin ah? Siguro preoccupied lang talaga ni Drift ang isip ko. Sumulyap ako kay Drift na nakangisi at ibinalik ang tingin kay Lei.

"Naku, hindi e." bakit ba sakin nagtatanong 'to e sya ang pinsan, "Itetext ko siya," ngiti ko at bumaling na ulit sa unahan.

Dumating na ang prof at nagsimula na ang klase. Gayunpaman, ramdam na ang tamad na pakikinig ng mga estudyante dahil nasasabik na sa nalalapit na christmas vacation.

"Excited na ko sa christmas vacation, pupunta kami ni Dad sa Milan!" ani Hail nang nasa gate na kami ng Trison, hinihintay ang mga sundo namin.

"Talaga? Wow, good for you Hail. Pinaplano pa nina Mom kung san kami." ani Pinky na nakita kong abala naman sa pagtetex sa phone niya. Dahil tsismosa akong kaibigan at nasa tabi ko lang siya, sumulyap ako kung sinong katext niya.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon