Chapter 30: Blue Pillow

109 4 1
                                    

Thirty

“Dad, meron po kaming experiment na gagawin. Sa dating bahay natin, malapit po doon namin naisip gawin yun.” 

“It’s fine, basta ba safe doon.”

  Hindi ko malimutan ang sinabing iyon ni Dad hanggang sa makapagempake na ako at ngayong nagdadrive si Mang Leo papunta sa Trison para sabay-sabay kaming pumunta sa lugar. Pagkauwi ko kasi nung hapon ng Thursday at nagpaalam kay Mommy tungkol dito ay nagdiretso agad kami kay Daddy sa jail para magpaalam. Niyakap niya ako ng mahigpit nang makita niya ako, pinipigilan ko lang nun ang sarili ko na mapaluha. Pero nahahabag ako sa kalagayan ni Daddy ngayon.

“Hija, nandito na tayo.” Ani Mang Leo kaya naman napatunghay ang ulo ko at agad sumilip sa labas. Nandito na nga kami. Masyado akong nagiisip ng kung anu-ano kaya hindi ko na namalayan.

“Sige po, Mang Leo. Una na po ako.” Paalam ko sakanya.

“Sige, ingat kayo dun hija,”

  Tumango ako at nagpaalam na sakanya. Pagkarating ko sa usapang hintayan ay bumungad sakin si Shiver at Lei, malalaki ang dala nilang bag. Kasunod ko ay sina Hanna at Drift.

  Si Lei ang may dala ng van na sasakyan namin kaya siya na din ang nasa driver’s seat. Sa kanan ko ay bintana at tumabi naman sakin si Shiver. Sa likod naupo sina Hanna at Drift.

  7am kami umalis. May kalayuan iyon kaya aabutin ng dalawang oras ang byahe.

“Dun ba talaga kayo dati nakatira sa pupuntahan natin?” tanong ni Shiver sa tabi ko.

“U-huh,” tumango ako, “Pero nung 15 years old na ko, lumipat na kami kasi nalalayuan si Dad sa office niya,” I answered and Shiver nodded.

“Sana talaga may falls ‘don,” sabi ni Lei habang nagda-drive.

“Ang rinig ko nga noon, meron.” 

“Talaga, Angel?! Wow!” he said and giggled.

“Angel?” tanong ni Hanna ng buong pagtataka.

  Walang sumagot. Katahimikan ang namayani hanggang si Drift ang nagsalita.

“Cause she’s like an angel,” and for that moment my heart skip a beat.

“Tch,” –Hanna

  Medyo hindi maingay ang byahe. Nag uusap pero pag kinakailangan lang. Bigla ko tuloy namiss ang tatlo kong bestfriend. I miss Lance most.

  Nang makarating kami sa Eco Park ay agad kaming lumapit sa namamahala niyon at nag paalam sa gagawin naming experiment. Sinabi din nila samin na meron ngang malapit na falls sa may kweba.

  Isang malaking pack bag lang ang dala ko. Nandun na lahat. Pang-hiking kalaki ang dinala kong bag. Nagshorts lang ako, tshirt na white at nagrunning shoes.

“Ako na magdadala ng bag mo, Shaney.” alok ni Shiver nang mag umpisa na kaming maglakad patungo sa sinasabi nilang kweba.

“Hindi na. Kaya ko naman..” iling ko sa alok niya. Ayoko namang maging needy. 

  Pinagmasdan ko ang likod ni Drift habang naglalakad. Nasa unahan kasi namin sila ni Shiver kaya hindi ko maiwasang tingnan siya. Nakashort lang siya na black, running shoes at simpleng v-neck white shirt. Si Hanna naman ay shorts, dollshoes at blouse. Ang arte pa ng make up sa mukha. Tsss

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon