Chapter 29: I'm going with..

182 6 0
                                    

Twenty Nine

“Gotcha!” nagulat ako at agad ibinukas ang mata nang biglang may nagsalita sa harap ko. “Don’t walk away like that again, Ysabela.”

  Halos tumalon palabas ng kinalalagyan niya ang puso ko sa nakita ko. Bakit ganito na lang lagi kalakas ang epekto niya sakin? Halos tatlong linggo ko na siyang iniiwasan pero wala paring nagbabago.

“Don’t you say anything?” he said not bothering my shivering legs. Walang tao dito sa veranda kaya malaya kaming makagawa ng eksena dito.

“What are you doing? Bakit mo ko sinundan?” I asked as I avoided my gaze from him.

“Sa ilang linggo mo nang pagiwas sakin, tingin mo hindi ko iyon napapansin?” tanong niya at mas inilapit lang niya ang sarili niya sakin. Napaatras naman ako hanggang sa maramdaman ko na ang halaman sa likod ko.

“So what? Ano ngayon kung layuan na kita?” 

  Kumunot ang noo niya. He held my hand at mabilis siyang naglakad.

“Hey! Ano ba? Bitiwan mo ko!” I exclaimed while taking back my arm but he was just so strong.

“Quiet!” He ordered. Pero nang makita kong pabalik kami sa loob nang resto ay buong lakas ko nang hinila ang kamay ko. Lumingon siya na galit ang ekspresyon sa mukha.

“What are you doing, Drift?” tanong ko nang makawala ako sa hawak niya. Hindi siya sumagot, “Don’t you think kung anong iisipin ng Dad mo pag nakita niyang hawak mo ang kamay ko?!” sa puntong iyon hindi ko na napigilan ang pagtaas ng tono sa boses, 

“Dad will back to Japan tomorrow.”

“Why are you like that, huh? Everything was just so fine now! But then you bumped me again and let me troubled for the second time? Tapos pag nangyari yun, wala ka na namang gagawin?!” I shouted as my tears were trying to escape into my eyes. “Kung may trip ka na naman sa buhay, pwes wag ako! Wag ako, Drift! Please lang!”

  Hinintay kong magsalita siya pero wala. Nakatulala lang siya diretso sakin at walang emosyon sa mukha. Pano niya nagagawa ang ganyang bagay? Parang wala siyang nasa isip kung maka-poker face siya. Ilang segundo pa ay pumihit na ako para sana iwan siya pero hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit.

“What?!!!” I shouted at him but he didn’t answer. Nakayuko siya at doon ko naramdaman na nanginginig ang kamay niyang nakahawak ngayon saking braso. Hinarap ko siyang muli pero hindi niya magawang ipakita sakin ang mga mata niya. “Hoy! Ano ba?! Kung wala kang sasabihin, aalis na ako!” sigaw ko muli pero parang wala siyang narinig. Nakayuko parin siya hanggang sa bumagsak na ang kamay niya. 

  Binitawan na niya ako. Dapat aalis na ako. Dapat nagtatakbo na ako palayo sakanya pero bakit hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko?

“You’re right. I’m just a stain in your beautiful life.” He said with a cold tone and then turned his back. Naglakad siya pabalik ulit sa loob ng resto habang ako ay tulala sa huling salita na kanyang sinabi.

  Pagkatapos ng banggaan naming iyon ay hindi ko na ulit sila nakita. Bumalik na ako sa party at nang matapos iyon ay nagyaya na ako agad pauwi.

  Dumating ang Tuesday at confident ako na marami akong naisagot sa exam. Ibinuhos ko kasi ang oras ko sa pag aaral nung Sunday. Pero kahit ganun ay paminsan-minsang sumasagi sa isip ko ang pagkikita naming iyon ni Drift.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon