Twenty five
Nagpatianod lang ako kay Shiver kung saan niya ako balak dalhin. Masyado na akong naging emosyonal ngayon kahit hindi naman dapat. Para akong totoong girlfriend na naheart broken.
Tama. Yun ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ganun? Imbis na maging masaya ako kasi tapos na ‘yung deal at wala na akong dapat ikatakot ay umiiyak pa ako ngayon?
Baliw na nga yata ako.
“San mo gustong pumunta?” tanong niya habang nagmamaneho. Nakatingin ako sa labas habang nakasandal ang noo ko sa bintana ng sasakyan niya.
“Kahit san,” sagot ko na medyo humupo na ang luha ko.
“Gusto mo bang ihatid na lang kita sa inyo?” tanong ulit niya na agad ko namang inilingan.
“Kahit san, basta ‘wag samin.” Ayoko munang umuwi ngayon na ganito ang hitsura ko. Ayokong makita ako ni Mommy na ganito, imbis na panlakasan siya ng loob dahil sa pinagdadaanan namin ay lalo lang niyang makikita ang kahinaan ko.
“Alright. You better go to sleep. Gigisingin na lang kita ‘pag okay na.” aniya pasulyap sulyap sakin.
Alam kong mabuting kaibigan si Shiver, isa pa wala akong choice kundi ang pagkatiwalaan na din siya sa mga oras na ito. Dahil ngayon, hindi ko kayang mag isa. Ayaw ko ring kontakin ang dalawa kong bestfriends at si Lance dahil paniguradong iiyak palang ako ay pinupurga na nila ako ng tanong. Tama nga siguro na si Shiver ang kasama ko ngayon dahil alam niya ang tungkol sa deal at saksi pa siya sa mga nangyari. Saksi siya kung pano ako nasaktan. Alam kong alam din niyang mahal ko na si Drift kahit hindi ko aminin sa kanya.
Kahit wala akong balak sundin ang sinabi niya ay kusa akong nakatulog. Siguro dahil sa pagod sa pag iyak. Nagising ako at agad hinanap si Shiver pero wala siya sa driver’s seat niya. Tumingin ako sa labas at nakita kong tumigil kami sa 7eleven, lumabas siya galing doon na may dalang ilang supot. Nag ayos ako ng upo at kinuha sa pouch ang cellphone ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang 10:30 na ng gabi. Nakaisang oras na pala kaming nagbabyahe. Inilibot ko muli ang paningin ko sa labas. Nasan kaya kami?
Pumasok siya sa kotse at agad akong napuna, “You’re awake.” Aniya at inilapag sa backseat ang mga nasa supot.
“Uhm, nasan tayo?” tanong ko na wala sa sarili.
“Don’t worry,” tawa niya, “Nasa Manila parin tayo, pero medyo malayo nga lang. Di bale, ilang kanto na lang nasa clubhouse na tayo.”
“Clubhouse?” tanong ko kasabay ng pagstart niya ng engine.
“Yep, clubhouse namin yun. ‘Wag kang mag alala, safe dun.” Hinayaan ko na lang siya at tumango na lang sakanya.
Ilang minuto lang ay narrating namin ang sinasabi niyang clubhouse. Binuksan ni Shiver ang bintana niya at nagtanguan sila ng guard na nagbabantay sa gate. Nang makapasok na kami ay namangha ako sa lawak ng golf field na bumungad samin. May iilang buildings din na siguro ay bar o mga stay-in hotel. Seriously? Kanila ‘to?
“Nag invest si Dad para rito at kasalukuyang inaayos na ang mga papers para legally na siyang maipangalan sakin.” Aniya habang mangha parin ako sa pagtingin sa labas. Prineserve nilang mabuti ang mga puno at ang natural na ganda ng kalikasan.
Ilang sandali pa ay narating namin ang main building ng clubhouse. Sabay kaming lumabas sa kotse. Sumusunod ang tingin ng mga taong nadaraanan namin, siguro dahil alam nilang si Shiver na ang magiging may ari ng clubhouse na ‘to pag dating ng panahon. Nilapitan namin ang front desk at kinausap ni Shiver ang crew na naka-assign para doon. Pagkatapos ay ibinigay niya ang susi sa isang lalaki at nagyaya na siyang maglakad-lakad.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...