Chapter 8: Im Sorry

131 5 0
                                    

Eight

Pumunta kami nina Hail at Pinky sa room namin since magkaklase nga pala kami sa araw na 'to pagkakatapos ng lunch. Kasama nga din pala ang mga Atienza. 

Phew! Bakit parang kinakabahan ako? 

Ngayon ko lang ulit sila makikita pagkatapos ng nangyare. Ano kayang reaksyon nila?

“Bakit kaya di ko nakita si Lance kanina sa canteen?” sabi ni Pinky na nakaupo sa kanan ko.

“Alam mo na. Baka busy sa girlfriend nya..” - Hail

“Shaney, ano bang klaseng babae si Tracy?” - Pinky

“Ewan. Di ko pa kasi sya ganun kakilala e.”

Naputol ang usapan namin nang makita namin si Lance na papasok sa room kasabay si Tracy. Ibabalik ko na sana ang tingin ko kina Pinky ng makita kung sino ang kasunod nila.

Drift Trison Atienza.

Bakit hindi ko agad nalamang ikaw pala ang taga pagmana ng eskwelahang ito?

Nakapamulsa sya at nakayuko. Pero napuna ko ang kaliwa nyang tenga. Bakit wala na yung hikaw nya?

Sumunod pumasok yung chinito, si Shiver at Joven.

Umupo silang lahat sa likod namin.

“Psst.” kulbit sakin ni Lance.

“What?” bulong ko sakanya pero hindi ako humarap. Ayokong magtagpo ang mga mata namin ni Drift.

“Nothing. I’m just checking if you’re okay.”

“You’re insane.”

“Yeah. You’re insane Lance. Shaney is old enough to manage herself. Don’t act like you’re her older brother.” sabi ni Shiver. 

Napansin kong nakaupo na silang lahat. Nasa likod ko si Shiver. Bale ganito ang tayo namin.

Hail - Ako - Pinky - girl1 - girl2 - girl3

Joven - Shiver - Lance - Tracy - Chinito - Drift

Nasa dulo na sila ng classrum kaya wala nang nasa likod nila. Nga pala, hindi ko parin kilala yung chinito na yun. 

“Uy,” bulong ko kay Pinky, “Kilala mo ba yung chinito sa dulo? Anong pangalan nya?”

“Lei.” walang ganang sagot ni Pinky. Aba ang babaita? Kanina lang ang daldal ah.

Dumating na ang prof at nagsimula nang magklase.

Ano kayang nasa isip ngayon ni Drift? Talaga nga kayang sakanya galing yung mga beads? Pero bakit? 

I mean, wala sa hitsura nya na kaya nyang lunukin ang pride nya para lang magsorry sakin. Pero pano kung akala ko lang na sya yun?

Di ko napigilan ang sarili ko at nilingon ko si Drift. Nakatingin sya sa prof. 

Tinitigan ko sya. 

Ang sarap nya lang kasing pagmasdan...

Crush na talaga kita e. Kung di lang ganyan ang ugali mo.

O____O

lumingon sya. OW-EM-DYI

Ayan. Napapagaya na ko kay Hail.

Binawi ko ang tingin ko at sinubukang makinig ulit sa prof. Pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Sigurado akong ilang segundo lang nag tama ang tingin namin.

But, that was so intense! 

Parang may kung ano sa tingin nya na nakapagpalundag ng puso ko.

“Gurl? Okay ka lang?” tanong sakin ni Hail. “Bakit parang namumula ka?”

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon