[Unnie Yuri! For you! Hope you'll like it. Hahaha]
Thirty Two
Shaney's POV
Hindi pa man humuhupa ang mga luha ko sa pagpatak ay nakarinig na ako ng mga yabag papasok sa kweba. Sa kabilang direksyon ako nakaharap habang nakahiga kaya hindi ko alam kung sino yun.
"Tulog na siya? Sabi niya kukuha lang siya ng marshmallow, ah? Ang daya." rinig kong himutok ni Shiver. Sino kayang kausap niya? Malayong si Lei kasi kita ko kaninang tulog na tulog na siya. Sina Drift at Hanna kaya o baka naman may nangyayari pang miraglo sa kanila dun sa labas? Pakshet!!! >____<
Patago kong pinunasan ang luha ko.
"Baka naman kasi inantok na. Hayaan mo na. 'Wag mo na siyang gigisingin." walang palya, sigurado akong boses yun ni Drift. Ibig sabihin hindi na nasundan ang nagliliyab nilang halikan kanina? Success!!! XD
Ilang minuto pa ay naramdaman kong may humiga sa likod ko. Kinabahan ako pero sinikap kong hindi gumalaw at magtulug-tulugan.
"Good night Drift. Night, Shiver." boses ni Hanna sa likod ko.
"Night," si Shiver ang sumagot.
Nakita ko sa anino nina Shiver at Drift na humiga na din sila sa direksyon ng hinihigaan ni Lei. Nag usap pa silang dalawa hanggang sa mabalot na ng katahimikan ang buong paligid.
Sa pag aakalang tulog na silang lahat, bumaling ako sa kabilang direksyon. Bumungad sakin si Hanna na nakabalot na sa kumot ang buong katawan pati mukha. Hindi ko matanaw sina Drift dahil pare-parehas lang naman kaming nakahiga tapos nakaharang pa 'tong si Hanna. Sapaw... =____=
Itinaas ko ang upper body ko sa paraan ng pagtukod ng kaliwang siko ko sa sahig at sinilip ang direksyon nina Drift pero agad-agad din akong bumalik sa pagkakahiga ko dahil nakita kong may isa sa kanila ang gising pa at may hawak na cellphone. Dahil emergency light lang ang tanging nagbibigay liwanag, nasisinagan ng phone niya ang mukha niya pero hindi ko masigurado kung si Lei, Shiver o Drift man yun kasi mabilis din ako bumalik sa higa ko.
Nevermind! Tutulog na ko. Bahala siya kung sino man siya.
Kalahati na ng isip ko ay pumapasok na si dreamland nang makaramdam ako ng something sa noo ko.
Shit! Shemay! Punyemas! Ano to?!!
TEKA...
Palad ba 'to?
Still, di ko parin ibinubukas ang mata ko. Tangna kaseee! Pano kung dwende 'to? Hala!!! Shit! Kapre kaya?! O kaya tikbalang! Waaaaa! Nagtindigan lahat ng balahibo ko. Di ko magawang mumulat dahil sa sobrang takot.
Hindi kaya may namatay dito dati sa kweba tapos nagambala namin siya tapos sakin siya nagpaparamdam at hihingi ng tulong?! T^T
Tanga mo Shaney! Walang multo! Hindi yun totoo.
Lalo akong kinabahan nang biglang kuskusin niya ang buhok ko. Tapos hinalikan niya ang noo ko. Mga 3 seconds niyang ipinahinga yung labi niya dun tapos lumayo na siya at naramdaman kong lumakad na siya papalayo. Saka ko lang ibinukas ang mga mata ko.
Tangna! Hindi ko kayang lumingon at hanapin kung sino yun! Kinikilabutan ako... Sino kaya tlaga yun?!! Si Drift? Imposible! Si Hanna? Lei?
Aha! Si Shiver yun! Sure ako.
Tsk tsk. Napailing ako sa isip ko. Lintis na lalaki yun. Porket tulog ako pagsasamantalahan na ko? Pshh...
Kinabukasan maaga kaming nagsigising. Ewan. Siguro kasi maaga din kaming nagsitulog kagabi.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Dla nastolatkówYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...