A/N: Before reading this chapter please mind to read back chapter 24. Kasi nagka-error po ako. Unfortunately, may mapangahas po na nagbura ng file na yun dito sa laptop kaya ayun. Malilito talaga po kayo kasi si Shiver na ang kasama niya nung chapter 25 sa kadahilanang may scene po akong hindi naisama sa chapter 24. Basahin niyo po yung paragraph na may '***' bago ang sentence. Yun po yung simula ng hindi ko naisamang scene. Please po. Kasi baka hindi niyo po ma-gets yung ibang nangyari dito sa mga susunod pang chapter. Para po kasi sakin mahalaga ang scene na yun. Kamsa! ^^
At dahil matagal akong hindi nakapag-update, here are the three chapters! Happy reading!
lalabush
---
Twenty Six
Hindi na ulit ako dinalaw ng antok mula nung pumasok si Shiver sa kwarto.
Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Seryoso ba siya doon? Ang buong akala siguro niya ay tulog ako at hindi ko iyon maririnig. Pero kahit na, mas magaanda na nga siguro na hindi ako nagising kesa narinig ko ang lahat ng iyon.
Kaya naman kinaumagahan ay bloodshot ang mata ko. Siguro nakatulog ako ay isa o dalawang oras lang. Agad ko namang tinext si Hail na kunwaring sa kanila ako natulog pag tumawag si Mommy sakanya, sabi ko saka ko na lang ipapaliwanag pag nagkita kami.
Nag ayos ako ng sarili. Kabado pa akong lumabas mula sa kwarto. Ano ba ang dapat kong iakto? Magkunwari na lang na hindi ko narinig ang sinabi niyang iyon? Tama. Aarte na lang ako na parang walang nangyari.
Amoy ng masarap na omelet ang bumungad sakin pagkalabas na pagkalabas ko sa silid, walang tao sa sala kaya malamang ay nasa kusina siya at nagluluto. Agad akong dumiretso doon at tama nga, nadoon siya nakatalikod at pinapahinaan ang apoy ng stove. Nakasando siyang white at simpleng short. Umupo ako sa harap ng counter ng kusina nila at naghalumbaba.
“Hmmm… Bango ah,” sabi ko kaya agad naman siyang napalingon. Ngumiti siya ng makita ako. Really? Ganun ba ang epekto ko sayo Shiver?
“Good Morning.” Bati niya sakin.
“Morning. Anong niluluto mo?” tanong ko kahit obvious na naman na omelet iyon. Shocks! Hindi dapat ako mailang ng ganito sakanya!
“Omelet. Konti na lang luto na to.” he said and then smiled again. Tumango naman ako kahit hindi niya kita dahil abala siya sa pagluluto. Pinapanuod ko lang siya habang nakapangalumbaba nang bigla siyang tumingin ulit sakin, “Yan parin ang suot mo?” aniya na agad naman akong napatingin sa suot ko. Oo nga pala, wala akong pamalit kaya ito parin ang suot ko. Napakabiglaan naman kasi nitong lakad na ‘to.
“Uh.. Malamang, kasi wala naman akong pamalit di ba?” sabi ko sakanya in a sarcastic way.
Tumango naman siya habang nakangisi, “Buksan mo ‘yung cabinet sa kwarto, may ilan akong damit doon, pumili ka ng pwede mong masuot at ipapa-laundry ko muna ‘yang damit mo.”
“Huh? No, hindi na kailangan. Okay lang naman.”
“Okay lang sayo na umuwi na ganyan ang amoy? Amoy alak na kaya ‘yan. Go on,” sabi niya at wala na akong nagawa. Tama siya, amoy alak na nga itong dress ko.
Pumasok ulit ako sa kwarto at dumiretso na lang sa CR. I took a quick shower at agad ipinulupot sa katawan ang towel na nasa banyo. Nang binuksan ko ang cabinet ay napanganga ako. Anong pwede kong isuot dito? E panglalaki ang lahat ng ‘to? Nagkalkal pa ako hanggang sa makita ko ang isang jersey na pangbasketball ng Trison na may 'Atienza' sa likod at number '2'. Last year siguro nila ginamit to. No choice, ito na lang.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...