Twenty-oneMadaling natapos ang judging at agad silang nakapagdesisyon kung sinong pasok para sa final judging. Kasama ako dahil ang kinuha nila ay ang mga first at second sa bawat batch na naglaban-laban. Sinabi naman nila na next week daw ang sunod na contest para final nang makuha ang mga bagong varsity para sa swimming team.
“Huy! Sabay na tayong maglunch.” ani Drift habang sabay kaming naglalakad palabas ng pool area. Hawak ko ang cellphone ko habang binibisita kung may nagtxt ba at dinededma ko lang siya. Ang kulit niya kasi, kanina niya pa akong pinipilit na sabay na daw kaming maglunch sa mini house niya pero hindi naman ako maka-oo dahil may usapan kami ni Lance na sabay na kaming kakain sa cafeteria.
“Pwede ba Drift, wag ka ngang makulit diyan, hindi ka ba makakain mag isa at talagang kinukulit mo kong sayo na sumabay.” Sabi ko sa medyo iritadong tono.
“Naalala ko lang kasi na medyo dumadami na ang utang ko sayong lunch, baka pag naisang araw biglain mo kong pakainin ka.” Aniya.
“Ano naman dun? E sa yaman mong yan, nawawalan ka pa ng pera sa bulsa?” sabi ko at tuloy parin sa paglalakad habang nasa tabi siya.
“Bakit ba ayaw—“ naputol siya sa kanyang sasabihin nang biglang sumigaw si Lance at nagmadaling papalapit sa direksyon namin.
“Shaney!!”
“Uy!” masaya kong bati sa kanya.
“Kamusta ang try out? Nakapasok ka ba?” tanong niya at inakbayan ako. Nakatayo siya ngayon sa kanan ko at si Drift naman ay sa kaliwa.
“Siyempre, nandun ako e.” si Drift ang sumagot sa tanong kasabay ng pagpalis niya sa kamay ni Lance sa aking balikat at ngayon ay siya naman ang nakaakbay sakin. Bahagyang kumunot ang noo ni Lance sa ginawang iyon ni Drift.
“Anong ibig mong sabihing nandun ka?” tanong ni Lance
“Isa ako sa mga nagjudge.” Ani Drift at tumango naman si Lance.
“Tara na Shaney, lunch na tayo.” Sabi ni Lance at hinawakan ang kamay ko sabay hinila-hila.
“Okay.” Sabi ko at humakbang papalayo kay Drift.
“Wait, di ba sabi mo sa mini house tayo kakain?” ani Drift.
“Wala akong sinasabi ha, sabi ko nga kasi kasabay ko ang kaibigan ko.” Nahuli kong bumusangot ang mukha niya bago ko siya tuluyang tinalikuran.
“Boyfriend mo na ba yung lalaking yun?” tanong ni Lance. Kumabog ang dibdib ko dahil sa totoo lang hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.
“Uhm.. Oo.” Sagot ko na lang sa kanya. Wala na akong maisip na palusot. Isa pa, mas magiging mahirap sakin pag hindi pa nila nalaman.
“Ano?!” natigil siya sa paglalakad kaya naman napatigil na din ako. Bakas sa mukha niya ang pagkagulo at pagkagulat kaya naman hindi ko napigilang mapatawa sa hitsura niya ngayon.
“Ano ka ba Lance, ayusin mo nga yang mukha mo.” Halakhak ko.
“You mean, kayo na talaga? Kayong kayo na?” tanong niya pa sakin.
“Oo nga e, ano bang hindi mo maintindihan sa salitang oo?”
“Bakit Shaney? Di ba siya ang dahilan kung bakit hindi ka natuloy ng Rome? Tsaka bakit naman sobrang bilis? Parang nung isang araw nanliligaw pa lang siya sayo.” Sunod-sunod niyang usisa. Wala akong masabi kaya nanatili na lang akong tahimik. Hanggang sa makaorder kami sa cafeteria ay panay padin ang tanong niya.

BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...