FiveNalaman kong dito din pala sila magcocollege. Isinabay na nila akong tatlo sa Jewel Building since dun din daw ang klase nila. Nagulat pa ko na kaklase ko si Shiver sa first class ko na management 101.
"Ako na ang magsosorry sa inakto ni Drift kanina. Its just that, hindi nya na talaga alam ang ginagawa nya." sabi sakin ni Shiver sa tabi ko.
"Okay lang. Kasalanan ko naman talaga e. Ako talaga ang dahilan ng pagkabasag ng mamahalin nyang phone."
"Hay. Siguro nakuha na naman nya ang bagong number ni Katherine." napatingin ako sa kanya sa sinabi nya. May itatanong pa sana ako nang biglang dumating na ang professor namin.
Natapos ang first class ko na isang oras at kalahati ang itinagal. Nagpaalam na sakin si Shiver kasi may susunod pa syang klase. Tiningnan ko ang schedule ko at ang sunod kong klase ay 9:30 na din. Same room.
Itinxt ko sina Hail at Pinky, hindi ko siguro sila kaklase sa first class ko. Sana naman kaklase ko sila sa isang 'to. Itinago ko ang phone ko at naglibot ng paningin. May mga labas pasok na estudyante pero may isang papasok na nakakuha ng atensyon ko.
Naku! Si Drift! Kaklase ko sya sa subject na 'to?!
Omy! Anong gagawin ko?!
Tumayo ako sa kinauupuan ko at umikot pasalungat sa daan na tinatahak ni Drift. Tahimik syang umupo. Iniharang ko ang shoulder bag ko sa mukha ko at lakad takbong lumabas ng klasrum.
Phew! Kinabahan ako dun ah. Aabsent na lang muna ako sa subject na 'to. Natatakot kasi talaga ako kay Drift. Pakiramdam ko hindi muna dapat ito ang tamang oras para magkita ulit kami. Baka mapatay na nya talaga ako. Wala pa naman sina Shiver para pigilan sya.
Dumeretso ako sa locker rooms para hanapin ang locker ko at para maging pamilyar na ko sa mga lugar. Naglibot-libot ako sa buong campus. Actually hindi ko nalibot ang buo kasi sobrang laki nito. Nang marating ko ang soccer field ay humanap ako ng magandang spot kung san pwedeng magpahinga kasi nangalay talaga ang paa ko kakalakad. Nang may makita akong malaking puno at bench ay pinuntahan ko agad at naupo.
Kokonti ang mga tao dito at halos mga couples lang din. Dating spot ba to? Sabagay, masarap ang hangin at maaliwalas ang paligid. Biglang tumunog ang cellphone ko sign na may nagtxt.
From Hail: Nasan ka? Nandito kami sa cafeteria.
Nireplyan ko sya,
To Hail: Punta na ko.
Tumayo na ko at sinakbit ang bag ko pero biglang may humarang sa dadaanan ko. Isang magandang babae na may kutis na gaya ng kay snow white.
"Shaney? Right?" tumango ako. "Im Hanna" iniabot nya sakin ang kamay nya at kinuha ko naman ito.
"Hi.." gusto ko din namang maging friendly minsan.
"Nakita ko yung nangyare kanina sa may gate. Tinulak mo si Drift tama?" nagulat ako sa tinanong nya.
"Ahm, oo."
"You don't have the right to do that miss. Hindi mo alam ang ginawa mo!" pinagtaasan nya ko ng boses.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo kilala kung sinong binabangga mo. Stay away from him!" inirapan nya ako saka tuluyang umalis.
Okay. What was that? Stay away from him daw? Hindi ko kilala ang binabangga ko? Bakit sino ba si Drift? Di kaya gangster 'yon? Hala? Baka ipapatay nya ko as labas ng campus mamaya. Anong klaseng tao ba sya? Pero mukha talaga syang hindi tao kanina nung nagalit sya. Tsaka anong nagtulak sa babaeng yun para harapin ako at pagsalitaan ako ng ganun.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
JugendliteraturYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...