Thirty Seven
"Tapos anong sunod na nangyari?" - Hail
"San kayo nagpunta?" - Pinky
"Pagkababa namin sa ferris wheel, hinanap nadin namin sina Shiver at Mae. Sinabi na lang namin na naligaw kami sa paghahanap ng cr." sagot ko sakanila.
"Ano?!" - Hail
"Bakit?!" - Pinky
"Sabi ko kasi sakanya 'wag na naming i-ruin ang gabing yun sa kanila. Magpretend kaming walang nangyari. Kasi nakakabastos naman siguro dun sa dalawa na nag-Cr lang kami naging sweet na." sagot ko ulit. Nandito kami ngayon sa kwarto ko at nagbabonding. Sabado ngayon kaya wala kaming mga pasok.
"Shaneyyy" tawag ni Mommy sakin sa labas ng kwarto ko.
"Po?"
*tok tok tok* imbis na sagutin ako ni Mom ay kumatok siya. Napilitan tuloy akong tumayo at maglakad para buksan ang pinto. Nagulat ako kasi bumungad sakin si Mommy na hanggang tenga ang ngiti.
"Mom?" ang weird niya.
"Guess who's in our living room right now!!!" kinikilig na ewan na sabi ni Mommy.
"Who?"
"Hulaan mo...." sabi ni Mom na medyo ikinairita ko. Ayoko ng mga pasuspense remember?
"Si Dad?" tanong ko na ikinapawi ng ngiti niya. "Si Kuya Nick?" hula ko ulit na lalong ikinasimangot niya.
"Si Drift, bumaba ka na. Kanina ka pa niyang hinihintay." walang ganang sabi ni Mom at naglakad na palayo.
"Ah, si Drift lang pala―" natigilan ako nang magsink in sakin ang sinabi ni Mom.
"Nandyan siya ngayon sa baba?!" tanong ni Hail na excited na excited.
"Ow-May-Gash!" irit ni Pinky.
Waaaaa! Bakit siya nandito?! What the hell is he doing here?!! Bigla akong natuliro at agad tumakbo sa harap ng salamin.
"Bilis na Shaney! Baka mainip na at umalis!" pagtataboy sakin ng dalawa kong kaibigan at pinagtulakan ako palabas ng kwarto ko.
Teka? Galing din ng dalawang 'to ah? Kwarto ko kaya 'to. Tsss! Kaya yun, bago ako bumaba ng hagdan sinulyapan ko ulit ang sarili ko. Nakacotton shorts at fitted tshirt ako. Okay lang naman siguro ang mukha ko.
Uuugh! Bahala na si Batman!!!
"Kakaiba din si Ara Galang di ba," boses yun ni Yano ah?
"Oo, pero kay Valdez talaga ako. Im rooting for Ateneo. Yung 2nd match nila maganda parin ang ibinigay na laro ng La Salle kahit Ateneo ang nanalo" si Drift ang nagsalita. Napalingon sila parehas sakin nang makababa na ako ng hagdan. Napatayo naman bigla si Drift nang papalapit na ko. Nakatitig siya na nagpakilabot naman sakin. Nakakalasing ang mga tingin niya.
"Bitchy, bakit ang tagal mong bumaba? Kanina pa dito si Kuya Drift," tumayo nadin na sabi ni Yano. Kuya Drift? Teka. Kelan pa sila naging close? "Sige, tataas na ko. Kuya, mauna na ko"
Pinat ni Drift ang balikat ng kapatid ko, "Sige. Next time sama ka sakin. Bibili ako ng ticket for VIP, nuod tayo ng PBA." yabang ah?
Ngumiti at tumango lang si Yano at naglakad na pataas. Naiwan kami ditong dalawa. Awkward? Yes. Sobra.
Tiningnan ko si Drift na ngayon ay titig na titig parin sakin.
"Don't stare. You're creeping me out!"
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...