Nineteen
"Ano kayang nakain ni Drift?" - Lei
"Oo nga e, parang iba siya ngayon. May nagpapaganda na talaga sa araw niya." - Joven
"I think it's her." - Shiver
"Her?" - Lei
"Si past ba o si present?" - Joven
"Ewan ko, both?" - Shiver
Kung anu-ano pang pinagkwekwentuhan ng magpipisan na hindi ko naman maintindihan habang nakaupo kami dito sa sofa ng mini house. Nagprisinta kasi si Drift na siya na daw ang bibili sa labas ng pagkain sa isa sa mga fast food chain para sa lunch nila.
"Hindi ako sanay na ganun siya. Kung tutuusin, first time niyang nagdala ng babae sa quarter natin." - Joven
"Tama ka. At dadalhin niya pa sa kwarto niya ha. Para tuloy gusto ko nang maniwala sa miracle." - Lei
May kinalaman ba sakin ang topic? Gusto ko sanang magprotesta kung sino ba ang pinaguusapan nila pero masama ang pakiramdam ko. Wala ako sa mood magsalita kaya naman napahilig na lang ang ulo ko sa sofa.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Drift na may dalang dalawang paper bags. Ipinatong niya iyon sa mesa tumabi sa pagkakaupo ko sa sofa. Nagulat ako ng akbayan niya ako at ihilig ang katawan sa akin.
"Hayy.. Ang init talaga dito sa pinas!" reklamo nita at pinaypayan ang sarili. Amoy na amoy ko ang mabango niyang pawis. Pwede na yata siyang magpagawa ng sariling pabango na pawis niya lang ang gagamitin. Nahuli naman ng mata ko ang matalim na tingin ni Shiver kay Drift ng gawin niya iyon sa akin.
Inayos ni Lei ang pagkain sa may kusina habang naghihintay naman sila dito sa sala.
"Gusto mo bang magpahinga muna sa kwarto, Bee?" malambing na tanong ni Drift sakin.
"Uhm, hindi na. Dito na lang ako." ramdam kong hindi pa talaga ako okay pero ayokong mangahas na pumayag sa alik niya. Kahit pakiramdam ko'y anytime ay babagsak na ang katawan ko.
"Come on Ysabela, alam kong hindi ka pa okay." aniya at hinipo ang noo ko. Habang ginagawa niya iyon at nakatingin lang ako sa itim na itim niyang mga mata. Nakakahypnotize, para akong nasa ilalim ng isang spell sa tuwing tititig ako dun. Kung spell nga yun, willing akong mapasailalim non kahit forever pa.
"Tingnan mo o, hindi pa bumababa ang lagnat mo, halika na." alo niya sakin at pilit akong tinatayo.
"Hindi na nga kasi, dito na lang ako." sabi ko at nagpupumiglas sa hawak niya. Nahihilo ako sa ginagawa niyang pakikipaghilahan.
"Lalakad ka o bubuhatin kita?" aniya nang bitawang niya ako. Hindi na ako makapagsalita pakiramdam ko'y masusuka na ako anytime dahil buong paligid ko ay umiikot na. Doon ko talaga narealize na sobra pa talagang sama ng pakiramdam ko. Napahilig ako sa sofa nang bitawan niya ako at ipinikit ko ang aking mata. Gosh, parang may sariling version ng lindol na dito lang sa paningin ko nangyayari.
Naramdaman ko na lang ang pag angat ko mula sa sofa at ang muscles na nakalapat sa braso ko.
"Drift, don't force her." rinig kong sabi ni Shiver.
"She need rest." ani Drift at naglakad papunta sa may pinto. Magulo pa ang mundo ko. Blurred. Dahil wala talaga ako sa sarili.
"Ugh! You're heavy.." rinig kong usal niya pero nakapikit na ko dahil hindi ko na makaya ang pag ikot ng paligid ko.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...