Chapter 42: It was always YOU

81 3 1
                                    

[ I want to be honest with you guys, plinano ko pong itigil na ang story na 'to. Ewan. Siguro kasi hindi naman ako boba para hindi mapansing HALOS walang nakakaappreciate nito. BUT wapakels na lang. I'm writing to express not to empress! But then, sa mga nagbabasa sana magustuhan niyo 'to. Huhu AJA! :( ]

Fourty two ( JAPAN )

"Ano, tutulog ka na naman? Palagi mo na lang akong tinutulugan sa byahe." napalingon ako sakanya na ngayon ay bahagyang nakasimangot. Hindi ko napigilan ang sarili kong halikan ng mabilis ang labi niyang medyo nakanguso. Nahuli ko ang sobrang gulat sa mukha niya nang gawin ko yun.

"Ang cute mo kasi," sabi ko at isinalpak na ulit ang headset sa tenga ko saka isinandal ang ulo sa ulunan ng upuan. Ipinahinga ko ang mga mata ko at nakiramdam sa maaari niyang gawin pero ilang segundo pa ang lumipas ay wala akong naramdamang mga kilos sa kinauupuan niya.

Napilitan akong silipin siya mula sa sulok ng mga mata ko at nakita kong pinaglalaruan ng daliri ng isang kamay niya ang labi niya at nakatitig sa kawalan. Natawa ako sa hitsura niya.

"Huy!" I slightly bumped his shoulder to call his attention, napatingin naman siya sakin nang gawin ko yun.

"Can you do that again?" kumunot ang noo ko dun sa sinabi niya pero dinanggil ko ulit siya sa balikat, "No. Hindi yan,"

"E ano?"

"I-kiss mo ulit ako..." sabi niya sa isang naglalambing na boses. Parang batang gustong mag papasan.

"Ayoko nga," pag mamataray ko at muling sumandal at pumikit.

"Ysabela, please... Isa pa..." halos matawa ako sa boses niya. Ngayon para naman siyang batang nagmamaktol dahil hindi naibigay ang nais.

"Ayoko nga sabi. Ang dami nang tao o," ngumuso ako kahit nakapikit ako, na parang itinuturo ko ang nagdadaanang mga tao sa hallway ng eroplano na sinasakyan namin. Which is totoo naman, marami pang sumasakay kaya nakakahiya naman siguro kung mahuhuli nila kami ditong naghahalikan at naglalandian.

"Nasaan? Wala namang tao e, sige na.. Isang mabilis lang ulit.. Please..."

"Pwede ba, Drift. 'Wag ka na ngang-" napamulagat ako dahil naramdaman kong may dumampi sa labi ko. Pagmulat ko ay nakahalik na pala siya sakin. Hindi ko parin maalis ang bilog ng mga mata ko nang lumayo na siya at umupo ng maayos sa upuan niya.

"Sarappp..." he said and licked his lips. Sinamaan siya ng tingin kahit hindi ko maikailang nag init ang pisngi ko sa ginawa niya at sa sinabi niya matapos iyon.

"A-anong ginawa mo?!" inis kong tanong sakanya. Medyo napasigaw pa ko kaya nakuha ang atensyon ng mga nasa kabilang upuan. Buti na lang mukhang mga Kano kaya siguro hindi nila kami naiintindihan.

"Obvious ba? Hinalikan kita." nangaasar niyang sabi at nagdekwatro pa ng pagkakaupo.

"Alam ko 'no! Hindi ako bulag. I mean, you stole a kiss from me!"

"Wow ha?" sarkastiko niyang pinalaki ang mga mata niya, "Nahiya naman daw ako! E ikaw kaya ang naunang nag nakaw ng halik diyan."

Naningkit ang mga mata ko pero hinayaan ko na lang. Tutal totoo naman kasi yung sinabi niya. E sa hindi ko napigilan at nahalikan ko siya e.

Nandito na kami ngayon sa eroplano papuntang Japan. Oo, new year na sa isang araw at dun ko sasalubungin ang bagong taon. Unfortunately, sa ayaw at sa gusto ko. Tanghali kami umalis kanina pero kagabi palang pinag impake na ko ni Mommy ng mga damit at gamit. Mukhang mas excited pa nga kesa sakin. Kung hindi lang sana 18 na ako ay iisipin kong ipinamimigay na niya ko.

Napangiti ako sa loob loob ko nang maisip ko na malapit na nga pala ulit akong magbirthday, kung hindi ako nagkakamali ay sa isa isang linggo na iyon. Halos lahat ng birthday ko ay may paparty sina Mommy at Daddy, kahit sinasabi ko sakanila na kahit wala na lang handa ay lagi nilang pinipilit na magpaparty.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon