Chapter 16: The Revelation

150 3 0
                                    

Sixteen

“Ang corny mo!” sabi ko sakanya at inunahan siya sa pagbaba sa mga benches since nasa pataas ako kanina ng upuan.

“Sino naman kayang mas corny satin? Samantalang kanina may pa-pout-pout ka pang nalalaman.” aniya at nagpout na parang bata. Ugh! Don’t make that face Drift Trison!

“Hi Shaney!” salubong samin ni Shiver pagkababa namin ng benches.

“Hello. Galing mo kanina ah!” sabi ko kay Shiver kasabay ng tapik sa kanyang kanang balikat.

“Siyempre, nanunuod ka, so dapat talaga galingan ko.” He said and winked at me. I chuckled.

“Sige bro, maglalunch pa kami ni Bee.” singit ni Drift.

Kailangan talaga lagi niyang imention yung ‘Bee’ thingy na yun? Talagang nasusuka ako pag naririnig ko yun e. Literal na nasusuka ha.

“Masyado mo na naman yatang sineseryoso yang deal niyo ni Shaney,” sabi ni Shiver na may halong pagdududa.

“Alam mo ang taste ko, Shiver. Kaya please. Wag ka nang umeksena pwede? Kahit hanggang makabalik na lang si Dad sa Japan, sayong sayo na siya.”

Seriously Drift? Kailangan ba talagang lagi mong ipaalala na deal lang ‘tong lahat? Siguro para sayo, pero pakiramdam ko iba na ‘to para sakin e. Tama pa bang pinasok ko ‘tong deal na ‘to? Kahit alam ko namang sa huli sarili ko lang din ang lolokohin ko?

“Ewan ko sayo, bro.”  sabi ni Shiver

“Ano? Sa mini house na ba tayo?” sabi ni Lei na nagpupunas ng pawis habang papalapit sila sa direksyon namin kasama si Joven. Bakit ba ang ha-hot niyong lahat Atienzas?!

“Sige.” Sabi ni Drift at umaktong lalakad na.

“Uhm, hindi na muna ko sa ngayon. May. . . Gagawin pa kasi ako e.” palusot ko sa kanila kahit wala naman talaga. Gusto ko lang munang isipin muli ang lahat. Pakiramdam ko mali ‘to, pakiramdam ko hindi ko dapat pinasok ang deal na ‘to. I’m sorry Drift.

“San ka naman pupunta? At anong gagawin mo?” tanong ni Drift.

“Ang OA mo bro ha. Malay mo naman may bonding sila ng mga friends niya. Wag mo naman siyang pakasakalin.” Biro ni Joven samin at saka nagmake face kay Drift.

“E di ba may usapan tayo na libre kita tuwing lunch? Ikaw rin, lugi ka.”

“Okay lang. Kayo na lang muna. Enjoy!” usal ko at madaling naglakad papalabas ng gym.

Hindi na ko lumingon pa dahil baka naman kung ano pang sabihin ng mga yun. Dali-dali akong lumabas ng gym at dumiretso sa may soccer field. Umupo muli ako sa dating bench na inupuan ko nung first day at saka nagmuni-muni.

Pano na ‘to? Pwede pa ba kong magback-out Drift? Pwede ko pa bang bawiin ang deal na pinag usapan natin? Bakit ba ako naging ganito kabobo? Sa pagkakatanda ko, matalino naman ako. Pero bakit sa tuwing puso na ang paguusapan, nabobobo ako?

Abala ako sa pag iisip ng kung anu-ano pang bagay nang biglang may humigit sa braso ko.

“Aray!” sigaw ko kasi ang higpit talaga ng pagkakahawak niya. Mali, nila pala. Nang lingunin ko kung sino yun, tatlong babae ang bumungad sakin, ang isa ay si Hanna.

“Ow, hello there dirty assy, just like old times, huh?” aniya habang nakahalukipkip.

“Bitawan niyo nga ako! Ano bang kailangan niyo?” sigaw ko at nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawa niyang alipores.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon