Fourteen
“So Drift, saan mo naman ako balak dalhin this time?” tanong ko sakanya na nagmamaneho habang nakapoker face look.
“Feel na feel mo naman ang paglabas kasama ako?”
“Wait, ang sagot mo sa tanong ko ay tanong rin? Bano ka ba?”
“Bano?”
“Bano, stupid, shunga.” Nanlaki ang mata nya habang nakatingin sa daan.
“What?"
“Ugh! Screw it! Basta sagutin mo na lang ang tanong ko. Pwede ba yun?”
“Just wait. ‘Wag ka nang maraming tanong. Mas napapaghalatang excited ka e.” Kahit totoong sobrang excited nga ako, hindi ko dapat yun ipahalata. Ayokong maging easy-to-get ‘no.
“You’re unbelievable!” tangi kong nasabi
“But handsome..” dugtong nya
“Omygosh! Shut your mouth and just drive!”
Nagbigay siya ng shocked expression sakin at bumaling ulit sa daan. Okay. Anong ibig sabihin non?
Natahimik na lang ako sa buong biyahe dahil wala din namang sense kausap ‘tong isang ‘to. Hanggang sa tumigil kami sa parking lot ng isang coffee shop.
“Coffee lang pala, nagpakalayo pa” bulong ko sa sarili
“What did you say?”
“Huh? Wala, wala. Sabi ko tara?”
“Tss..” umirap siya sa akin saka bumaba ng sasakyan. Talagang mas maarte pa yata ‘tong lalaking ‘to kesa sakin e. Pumasok kami at para namang magnet na sumunod ang mga mata ng mga taong nasa loob noon.
‘Wag nang magtaka Shaney, si Drift Trison lang naman kasi ang kasama mo.
Dumiretso kami sa counter at sinalubong ng matamis na ngiti ng chinitang nasa unahan naming.
“Good Morning Sir, Ma’am. What’s yours?” she greeted cheerfully.
“Usual please” sagot ni Drift sa kanya. Tumango naman ang babae bilang sagot at saka pinagkukuha ang mga usual na tinutukoy ni Drift. Siguro’y madalas dito si Drift kaya alam na nila ang paborito nitong orderin. Nilagay ng babae ang mga kape at cakes sa isang paperbag at saka iniabot kay Dirft.
Teka? Nagtake out sya? San naman nya kaya ako balak dalhin?
“Thankyou sir. Come again” ngumiti si Drift saka tumalikod. Iniwan nyang tulala ang chinita. I knew it, Drift’s killer smile.
“Teh, yung laway mo oh, tulo na.” biro ko saka nagmadaling sinundan si Drift na palabas ng shop.
“Grabe! Daig ko pang artista ang kasama ah!”
“Dapat masanay ka na,” he smirked, “Kita mo ba kung pano tayo pagtinginan ng mga tao kanina? They’re amazed.” Sabi nya at sumakay ng sasakyan, sumunod naman ako.
“What do you mean?”
“They thought, we’re really a couple. Yung tipong kahit magtabi lang tayo makikita na ang chemistry sa isa’t isa. And that’s what I need to satisfy Dad.” Sumulyap siya sakin, “We’re a perfect couple.” Saka inumpisahang paandarin ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Novela JuvenilYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...