A/N: This one is for cozzy_guitar. I just want to dedicated this to her kasi naooverwhelmed ako sa ginagawa niyang pagboto. Kamsa! ^^ Btw, enjoy reading po.
lalabush
Twenty Four
Suot ko na ang dress na binili ni Drift para sakin. Maganda siya at eleganteng tingnan. Kulay itim at may konting sequence na pearls sa bandang dibdib, mataas hanggang tuhod at hindi maiksi. 8 na ng gabi at nandito na ako sa labas ng gate namin habang hawak ang cellphone sa isang kamay. Nang magtext siya,
From: Drift Trison Atienza
‘Wag ka nang lumabas ha, susunduin kita.
Napangiti ako sa text niya habang nirereplyan siya.
To: Drift Trison Atienza
No need, magpapahatid na lang ako kay Mang Leo.
Kahit ang totoo ay nandito na ako ngayon sa labas ng gate at hinihintay na siya.
From: Drift Trison Atienza
I said I’m going to fetch you! Stop being hard-headed and wait for me!
Lalong lumawak ang ngiti ko. Sinunod ko din siya. Pumasok ako sa loob ng bahay at doon na lang siya hinintay.
“Where are you going, bitchy?” pambungad na tanong sakin ni Yano pagkababa niya ng hagdan. Galing siguro sa kwarto niya.
“None of your business.” Pagtataray ko sakanya.
“Dun sa hilaw mong boyfriend?” pang aasar niya at umiling iling. Bago pa niya makita ang pag irap ko ay tinalikuran na niya ako saka siya dumiretso ng kusina. Mukhang ayaw niya kay Drift ah? Naalala ko tuloy si Kuya Nick, ano kayang magiging reaksyon niya pag nalaman niyang may boyfriend na ko?
“Hey,” napatalon ang pwet ko nang marinig ko ang boses na iyon. Agad ko siyang nilingon.
At paking teyp!
Sobrang gwapo niya sa kanyang americana black suite. Lechugas! May ganito pala talaga kagwapong nilalang. Hawak niya sa kanyang kanang kamay ang susi ng mercedez niya habang ang isa naman ay nasa may batok na parang kinukuskos iyon. Napatayo ako dahil sa presensiya niya.
Nagtaas siya ng tingin at nakita ko ang pagkatulala niya sa kanyang mga mata. Iginala niya ang panigin niya mula sa ulo ko hanggang sa paa.
“Let’s go?” yaya ko na dahil naaasiwa na ako sa ginagawa niyang paninitig. Biglang tumaas ang tingin niya sa mukha ko.
“Huh, uh.. Yes. Let’s go.” Kapuna puna ang biglaan niyang pagkatuliro, “Pero hindi ba muna tayo magpapaalam sa Mommy mo?”
“She’s already asleep. Nakapagpaalam na din ako kanina.” Sagot ko at nilampasan siya para maunang lumabas hanggang sa kotse niya. Nang nasa tapat na kami ay nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto.
Pumasok ako at sinundan ko siya ng tingin habang umiikot sa harapan ng kotse para makapasok sa driver’s seat. Bakit siya ngiting ngiti? Anong dahilan para maging masaya?
Nang makapasok siya sa sasakyan ay agad niyang pinaandar ang sasakyan.
“Maganda ang pinili kong dress, it really suites you.” He said while driving.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...