Twenty-twoFrom: Drift Trison Atienza
6pm sharp. Don’t be late, Bee.
Ilang minuto na yata akong nakatitig dito sa text na ‘to ni Drift pero hindi ko parin siya nirereplyan. At wala din akong balak. Nae-excite ako, pero ayoko ng ganitong feeling. Tuwing alam kong makikita ko siya iba ang nararamdaman ko.
5:30 na kaya naisipan ko na ding mag ayos ng sarili. Maong na shorts at puting tshirt lang ang isinuot ko, nagstep-in lang ako at hindi na nag abalang magdala ng bag. Hawak ko na lang ang cellphone ko sa isa kong kamay.
“Yano, pakisabi na lang kay Mommy umalis na ko. Hindi ko kasi siya nakita sa kwarto niya, baka may pinuntahan.” Sabi ko kay Yano na naabutan kong nanunuod ng TV sa sala. Tumango na lang siya. Lumabas ako ng gate namin at itinext si Lance.
To: Super Lance
Hoy, sunduin mo na ko dito sa amin.
Ilang minuto pa akong nakatayo sa labas ng gate nang nagreply siya.
From: Super Lance
Can’t pick you up. I’m sorry My Shaney. May emergency bigla e, don’t worry, Drift is on his way there.
Pagkatapos kong mabasa ang mensahe niya ay kumabog ang dibdib ko. Si Drift na naman ang susundo sakin.
Biglang may bumusina sa tapat ko at nakita ko ang isang pamilyar na itim na mercendes benz. Bumukas ang pinto ng driver’s seat at inuluwa noon si Drift. Napakagwapo niya sa kanyang tokong na white at simpleng black t-shirt. Tumitig siya sakin and that makes me more uncomfortable.
“Let’s go?” tanong niya ng makalapit siya sakin. Ngumiti ako sakanya at nagulat ako nang hulihin niya ang kamay ko at pinagsalikop iyon. Halos hindi ako makagawa ni isang hakbang sa ginawa niyang iyon. Bumaling siya sakin habang nakakunot ang noo.
“What? May nakalimutan ka?” tanong niya. Umiling ako at bagsak parin ang mata ko sa kamay naming magkasalikop.
Mabilis na napalitan ang aming atensyon sa kotse na papasok sa gate naming nakasara. Actually, kotse namin yun. Tumigil iyon habang bukas parin ang engine at lumabas mula doon si Mommy. Automatic na binawi ko mula kay Drift ang kamay ko. Gulat si Drift na tumingin sakin pero agad naman niya ulit tiningnan si Mommy na ngayo’y papalapit na.
No. This can’t be happening.
“Where do you think you’re going young lady? And, who is this handsome creature in front of me?” tanong ni Mommy nang makalapit siya sa direksyon namin. Kumamot sa batok si Drift habang nakangisi na parang nahihiya sa sinabing papuri ni Mommy. Kunyare pang flattered e halos lahat yata ng makakita sa kanya magkakalakas loob sabihin yun kasi umaapaw naman talaga ang kagwapuhan niya.
“I already told you, di ba Mom? Pupunta ako sa Trison kasi may hinanda silang celebration dun sakin.” Paliwanag ko agad. Nagform naman ng malaking O ang bibig ni Mommy nang maalala niya ang ginawa kong pagpapaalam kanina.
“I remember, but care to introduce this young man here?” tanong ulit niya. Shet! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko. Alam ko naman kasing anytime malalaman niya ‘to pero hindi ko alam na ganito pala kaaga. Hindi ako ready. Napapikit ako ng madiin sa sobrang intense ng nangyayari ngayon.
“Uh, Goodevening Mrs. Cortez. I’m Drift Trison Ateinza, Shaney’s boyfriend.” Aniya at naglahad ng kamay kay Mommy.
Umaygad! Anong sabi niya?
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...