A/N: This is going to be on Drift's point of view. Enjoy! ^^Six
Drift Trison Atienza’s POV
“Bakit mo ba naman kasi yun ginawa Drift?! Hindi yun makatarungan!” sigaw ni Lei na umalingawngaw sa buong office ko.
“Hoy Intsik ka! Tumahimik ka nga dyan! Mas lalong sumasakit ang ulo ko sayo e!”
Ugh! It’s been two days pero ginugulo parin ng babaeng yun ang isip ko!
Sa mga sinabi nya sakin, Nakokonsensya ako!
F*ck sh*t ! Bakit ba ko nagkakaganito!
“Malay ba ni Drift na may mahahalagang papers na laman yung bag ni angel.” Sabi ni Joven.
Kinunutan ko ng noo si Joven. “Angel bro, ang ganda kasi nya e. Para syang anghel na bumaba mula sa langit…” sabi nya na kunwaring nagniningning pa ang mga mata.
“Angel ka dyan! She’s an amazona!!”
“Hahaha! At mas in-admire ko lang sya sa ginawa nya sayo. Wapaaak! Hahahaha.” Sinamaan ko sya ng tingin.
Nandito kami ngayon sa office ko sa Trison kasama ang tatlong ugok kong mga pinsan na sina Joven, Lei at Shiver. Since ako ang tagapagmana ng eskwelahang ito ginawan na ko ni Dad ng sarili kong office. Na hindi naman talaga mukang office dahil puro game stuff lang ang nandito o mga pang gym. Para itong mini house sa loob ng school na kami lang magpipinsan ang welcome. Kahit mga babaero ‘tong mga ‘to, hindi ko sila hinahayaang magdala ng babae sa loob.
Nakaupo ako sa sahig kaharap ang center table kung saan nakalagay ang mga papeles nung amazona. Tuyo na sila pero burado na karamihan ang sulat.
I read it all because my curiousity is killing me. And it was about Calil’s Pianists or something. But why do I care?
She’s just a girl aiming to be a well-known pianist.
I knew she is just one of my fangirls the way she checked me out at the party. But, what the heck?
I’ve never been so wrong in my life!
She’s an amazona!
“Drift, you just destroyed her dreams. The big part of her life was stolen because of you. You must apologize.” Sabi ni Shiver na nakasalampak sa couch.
“APOLOGIZE?! Never!”
“Why Drift?”
“What why?”
“Is this all about Katherine?” napalingon ako sakanya. “You just got again her knew number, don’t you?” hindi ako nakapagsalita. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. “Move on bro! It’s almost a month since iwa—“
“Stop.” I said with a cold tone.
“What?! Im just saying—“
“Shiver, tama na.” sabi ni Lei.
Tumayo ako at aaktong papasok sa kwarto ng mini house namin, nang magsalita ulit si Shiver.
“Kelan mo ba sya pakakawalan dyan sa puso mo Drift? E kita naman nating lahat na wala ka nang paga—“
Napuno na ko. Sinugod ko sya at hinawakan sa kwelyo.
“Drift. Wag.” Pagpigil sakin nina Lei at Joven.
“Ano Drift?! Susuntukin mo ko? Go on! Tutal dyan ka lang naman magaling di ba? Kaya ka iniwan ni Katherine kasi basagulero ka!” ibinagsak ko sya sa couch ng malakas at pinukulan ng matatalim na tingin.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...