Chapter 28: Don't walk away

95 4 0
                                    

Twenty Eight

“Grabe, nakakakaba ‘no?” ani ng babae na nakaupo sa tabi ko. Nalaman kong ang pangalan niya ay Mae. Siya ‘yung nauna sakin nung try out at ako naman yung pang second.

  Tumango lang ako sa kanya kasabay ng tipid na ngiti. Nakaswim suit na kasi kami ngayon at pinaupo muna kami sa mga benches na katapat ng pool dahil ani ng coach ay may hinihintay pa sila.

“Super gwapo kasi ng mga old varsity na manunuod! Ang crush ko talaga sa kanila ay si Coby. Pero shet, super nakakalaglag panty talaga ang kagwapuhan ni Drift!” napatingin ako ngayon sa kakitihan niya dahil kilig na kilig talaga siya habang nagpapapadyak. Teka? Hindi ba alam ng isang ‘to ang nagtrending na niligawan ako ni Drift?

“Ano bang course mo?” usisa ko sakanya.

“Architecture, bakit?” sabi niya at napatango na lang ako. Kaya pala hindi niya alam ay sa ibang campus siya naroon. Ang mga architecture kasi at mga engineering ay sa ibang campus nag aaral pero branch din ‘yun ng Trison.

“Ah, wala naman.” Sagot ko sakanya.

“Ikaw?”

“Business Management,” napa-O siya ng bibig at tumango-tango.

“Haaay, ipa-promise ko sayo.. Pag nakapasok lang ako dito sa Trison’s Swimmers, gagawin ko ang lahat mapasakin lang si Drift!” aniya habang nagpapapadyak parin sa kakiligan. Maganda si Mae, morena, mas matangkad sakin at may magandang katawan. Ang kanyang buhok na kulay brown ay sobrang bagay sakanya. Parang Mexicana ang awra ng kanyang mukha. May half kaya siya?

  Hindi malayong magkagusto sakanya si Drift. Tingin ko pag nagpursue ‘to kakagat din sakanya si Drift. Teka? Bakit ko ba ‘to pinoproblema? Hilaw na ngiti na lang ang binigay ko sakanya.

  Ilang sandali ay napuno ng tilian ang pool area. Napalingon kaming dalawa ni Mae at hindi nga kami nagkamali, ang mga varsity at ang pinaka kinatitilian, si Drift na nakashades at seryosong naglalakad hanggang sa makarating sila sa unahan ng pool.

“Kyaaaaaaa!” pag sali ni Mae sa sigawan ng mga members ng fans club ni Drift. Napatakip naman ako ng tenga dahil sa lakas, “Grabeee! Ang gwapo niya talaga! Gusto ko na lang mahimatay! Teka? Di ba Bussiness Ad ka? Ibig sabihin ka-department mo si Drift? Kyaaa! Ang swerte mo!!” aniya kasabay ng pag-uugoy-ugoy sakin sa kinauupuan ko.

  Actually hindi lang ka-department, “Kaklase ko siya sa lahat ng subject ko maliban sa isa,” actually hindi lang kaklase, masalimuot ko din siyang past. At pretend boyfriend…

“Whuuuut?!” sobrang gulat na gulat si Mae sa sinabi kong iyon, “Talaga Shaney?!! Wow! Super pinag pala ka! Nakakahili! Sabi ko nga sa sarili ko, business ad na lang kukunin kong course para makasama ko si Drift, pero hindi naman siguro tama yun kasi pangarap ko ang pinaguusapan dito. But still! Ang swerte mo!” naliliyo na ako sa kauugoy niya kaya naman mahigpit ang paghawak ko sa upuan ko.

“He-he.” tawa kong alam ko namang fake. Talo niya pa ang kiti-kiti kung kiligin.

  Bago pa man ako mahimatay sa walang humpay na pag-ugoy sakin ni Mae ay nag salita na ang coach at idinetalye kung pano gagawin ang final judging. Ani ay hahatiin kami sa dalawang batch. Nagbunutan ng 1 at 2 kaming anim na kasali. Two ang nabunot ko at si Mae naman ay one.

“Wow! Buti na lang hindi tayo magkasama sa batch, para sana parehas na tayo ang maipasok nila! Galingan mo ah!” ani Mae at naglakad papunta sa kanyang linya.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon