Chapter 17: What ifs

187 3 2
                                    

Seventeen

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga sa kama, kasama si Mom na nakaupo naman sa gilid ko habang hinahaplos ang buhok ko.

Naikwento na niya sa akin ang lahat. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sobrang biglaan ng pangyayari. Parang isang malaking dagok agad ang pagdating ng problemang ito samin.

"Mabuti pa matulog ka na, Shaney. May pasok ka pa bukas. Hindi ba?" ani Mom

Bahagya akong tumango. Para narin makapagpahinga siya hindi lang ang isip niya kundi pati ang katawan niya. Tumayo siya at yumuko para bigyan ako ng halik sa aking noo.

"Sleep well, anak." ani niya at tuluyan nang nilisan ang aking silid.

Ang sabi niya nalulong si Dad sa bisyo niya sa Casino. Kaya pala halos hindi na namin siya makasabay sa breakfast nitong mga nakaraang linggo at ubusin na niya ang oras at pera niya sa pagsusugal niya. Sinabi din sakin ni Mom na may pagkakautang si Dad sa Casino na yun ng limang milyon. Pakiramdam ko nakakapit na lang kami sa patalim ngayon. Na isang iglap, madudulas na lang kami at mawawasak at tuluyan na lang mawawala ang pinaghirapan ni Dad.

Isa pang nasa isip ko ngayon ay si Hanna. Anong binabalak niya at pati ang kompanya namin ay pinagdiskitahan na niya sa sobrang pagkahumaling niya kay Drift.

Si Drift. Nagsisi agad ako sa ginawa ko kanina lang sa may soccer field. Sana sinabi ko na lang ang totoo kay Hanna para hindi humantong sa ganito. Sana sinabi ko na lang na deal lang naman talaga ang lahat. Huli na nga ba? O pwede ko pang bawiin?

Gulong gulo ang utak ko na parang sasabog na to ng mga laman anytime. Ang brutal lang pakinggan pero pakiramdam ko literal na sasabog na talaga to.

Natigilan ako sa pagiisip ng mas malala pang pwedeng mangyari sa utak ko nang biglang magbeep ang phone ko.

Agad kong binuksan ang mensahe at binasa ang laman.

From: Drift Trison Atienza

Bakit ba umalis ka na lang basta kanina at hindi na nagpakita sakin? May problema ba? Itxt mo ko, Ysabela. Nag aalala ako.

Nagaalala? Bakit? Saan?

Siguro nag aalala siya kasi baka bigla na lang ako magback out sa deal namin. Nag aalala siya kasi baka masira ang plano niya. Kahit nung simula palang, alam ko nang yun lang naman talaga ang gusto niya. Ang masatisfied niya ang Dad niya. Hanggang dun lang at wala nang iba.

Well, magsaya ka na Drift. Dahil mapipilitan siguro akong ipagpatuloy ang deal na to dahil kay Hanna na obssessed sayo na pati ang iniingatan naming kompanya ay kaya niyang agawin.

Ilang oras pa ang lumipas ay wala talagang dumalaw ni katiting na antok sa mga mata ko. Masyado kong iniisip ang lahat. Lahat ng pwedeng mangyari. Ang kompanya. Si Dad. Si Mom. Anong pwedeng mangyari samin pag nawala na ang lahat.. Tumingin ako sa wall clock ko. Alas dos na ng madaling araw? Really? Paano pa ko makakatulog nito. Naalala kong may audition nga pala ako bukas para sa Musicalista. Paano ako makakapagconcetrate kung buong isip ko ay iniisip ang problemang tinatahak namin ngayon.

Napagdesisyunan kong bumaba sa kusina at kumuha ng maiinom. Kinuha ko ang sterilized milk sa ref at saka isinalin sa baso. Nang iniangat ko na ang baso para uminom na ay halos mapatalon ako nang makita ko ang pigura ng isang matipunong lalaki sa may tabi ng mesa. Masyadong madilim kaya hindi ko agad namukaan ito.

"Shaney?" lasing ang boses ng lalaki at halos hindi ko na makilala ang gulong buhok at puktong mata ni Kuya Nick nang tamaan ng ilaw galing sa labas ang kanyang mukha.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon