Chapter 23: Personal Questions

114 6 1
                                    

Twenty-three

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo. Pakiramdam ko’y sasabog na ito sa sobrang sakit. Sinikap kong umupo mula sa pagkakahiga at minasahe ang sintido ko.

“Ugh! Fucking hung over!”

Mula sa busangot kong mukha ay sinilip ko ang aking wall clock, 10:30 na pala ng tanghali. Wala kaming pasok tuwing Friday. Tapos na din ang Festival Week ngayong araw na ‘to. Hindi ko man lang naenjoy! Ang boring!!

Dumiretso ako ng kusina. Hindi na ko nag abala pang mag ayos ng sarili. Ni mag hilamos man lang ay hindi na rin dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko sa gutom.

“Good Morning Mommy,” beso ko sakanya habang kinukusot ang mata. Naabutan ko siyang nagagawa ng sandwhich sa kitchen. Kumuha naman ako ng plato at kubyertos at kinain ang mga nakahain sa mesa.

“Gaano na kayo katagal?” halos mailuwa ko ang carbonara na kakasubo ko palang. Nanlaki ang mga mata ko, “I thought you’re ready for this, di ba nga may utang ka saking paliwanag?” hindi ko naman iyon nakakalimutan oeri hindi ko ineexpect na ganun agad ang itatanong niya sakin.

“We’re just three days, Mom.” Sagot ko sakanya at itinuloy ang pagkain. Ang sarap talagang gumawa ng carbonara ni Manang Lily.

“Ah, bago lang pala.” Tango niya habang pinapagpatuloy ang ginagawa, “Galing ako sa Dad mo kagabi kaya ako lumabas,” napatingin ako sakanya sa sinabi niyang iyon.

“Kamusta na po si Daddy?” tanong ko.

“Okay siya, magpapaattorney na din siya para patunayan na kaya niyang bayaran ang utang na hindi sila tinatakbuhan, sana lang maging maayos ang takbo ng kaso.” ani Mom at tumango naman ako, “Nahanap mo na ba ang Kuya Nick mo?”

Shit! Oo nga pala. Muntik nang mawala sa isip ko pero alam ko namang gumawa ako ng paraan kahapon para makontak si Kuya, “Not yet Mom, nakapatay ang cellphone niya. At hindi rin siya nagbubukas ng kahit anong social accounts niya. Don’t worry Mommy, sasabihin ko kaagad sa inyo ‘pag nagkakoneksyon na kami.” Pakshet! Namimiss ko na si Kuya Nick. Tumango na lang si Mom.

“By the way, he’s on his way.” Kumunot ang noo ko, dinagdagan niya ang sinabi niya dahil napansin niyang hindi ko siya nagets, “Drift, he said he’s going to fetch you kasi meron daw kayong usapang date ngayon.” Nabilaukan na ako ng tuluyan sa sinabing iyon ni Mommy. Sinuntok-suntok ko ang dibdbi ko dahil naninikip iyon.

Nakita kong natuliro si Mommy kaya naman agad siyang kumuha ng isang baso ng tubig at ibinigay sa akin, “Lakas ng epekto niya sayo ah.” Biro niya pa habang kinukuskos ang likod ko. Nang mainom koi yon ay nag iba-iba ang lalamunan ko bagamat ramdam ko ang basa kong mga mata dahil napaiyak ako sa sobrang sikip ng dibdib kanina.

“Mom naman!” inis kong sabi at tumawa naman siya. Bumalik siya sa kanyang ginagawa nang makitang ayos na ako.

“Tumawag siya sa landline natin kanina, nagtaka pa nga ako kung kanino niya kaya nakuha ang numero natin pero nang maalala kong isa nga pala siyang Atienza ay hindi ko na itinanong kung paano. What Atienza wants, Atienza gets.” Ani Mom at umiling iling.

Ganun na ba kalakas ang kapangyarihan ng mga Atienza? Mapababae, yaman, kasikatan o kahit mapaindustriya man? Pero ano daw? Usapang date? Wala naman akong natatandaang may usapan kami ngayong tanghali. Ang huli naman naming pagkikita ay naging hindi kaaya aya para sakin. Isa pa mamayang gabi pa ang dating ng Dad niya.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon