Chapter 38: Out [part 2]

63 4 6
                                    

Thirty Eight

  Nandito kami ngayon sa dining table at pinagtyatyagaang kainin ang maalat na adobong baboy na ginawa namin ni Drift.

"Sabi ko naman sayo tama na ang toyo. Yan! Napaalat tuloy!" halakhak ko tas sumubo ng isa. Masarap din naman siya pero medyo napadami ang alat. Natatawa talaga ako, ano ba kasing ineexpect namin e parehas kaming hindi marunong magluto.

"At least hindi narin masama ang lasa diba?" aniya at sumubo ng isang puno sa kutsara.

  Nalibang kami sa pagkain kasabay ng kung anu-ano pang kwentuhan. God! I miss this... I miss Drift. Namiss ko 'tong mga ganitong klaseng bonding namin. Nakakawala ng stress. For a moment, nakakalimutan ko yung mga bumabagabag sa isip ko.

  Pagkatapos ng mahabang kainan ay nagprisinta akong maghuhugas ng mga pinagkainan. Nagalinlangan pa nga siya kasi sabi niya hayaan ko na daw ang mga maid na gumawa noon but I insisted.

  Busy ako sa pagkukuskos ng mga plato nang may marealize ako. This was how Mom serve Dad as her husband. Ibig sabihin 'tong moment na 'to para kaming mag asawa ni Drift. Gosshhhh! I can't breath!!! Pinilig ko ang ulo ko at pinipilit burahin ang mga kabaliwan sa utak ko.

  Napatalon ako sa harap ng sink nang biglang may yumapos sakin mula sa likuran. I smell Drift's scent and automatically, my heart started to run from my chest. Oh! I sounded like a sick teenager who's deeply and madly inlove. I should compose myself.

"D-Drift," okay, here's the stuttering lady that can't manage to speak straight. Nangatog ang tuhod ko nang ibinaon niya ang baba niya sa leeg ko. Damn! I'm trembling so bad. Natatakot ako na baka maramdaman niya 'yon.

"Shhh.. Let's stay like this for a sec," he said in a very manly and sexy voice. I slowly put down the plate that I'm recently washing then slighlty flinched because he bite the upper part of my left ear. He did that once nung nasa kwarto ko siya, and I can't manage to talk. Parang dati lang.

  After a minute, kumalas na siya sa yakap niya. Kaya ako, kahit nangangatog at high pa sa ginawa niya ay pinilit ipagpatuloy ang paghuhugas ng plato. He leaned at the sink which is at my side and started to do his creepy staring mode on again.

"Did you know that it's weird to stare like that at a particular person?" I questioned him not bothering to even glance at him.

"I just want to memorize every part of you. Your eyes, the shape of your nose and lips. Yes, maybe its weird and kinda creepy but I don't care. You're not just a particular person." aniya kasunod niyon ay ang pag pagpag ko ng kamay sa sink. Hindi ko siya pinansin at naghanap na lang ng basahan na pwede kong pagpunasan ng kamay. "Eto," napalingon ako sakanya at inihagis niya bigla ang isang towel.

  Nagpunas ako doon at ipinatong sa mesa saka naglakad diretso sa sala. Yes, you're creeping me out Drift. Badly creeping me out!!!

  Naupo ako sa sofa at kumuha ng ilang magazine na nasa center table saka nag umpisang magbasa. Naramdaman kong umupo din siya sa tabi ko.

"Where is he?" tanong ko habang nagbubuklat ng magazine.

"Who?"

"Duh?!" sinulyapan ko siya at inirapan. Nakita kong nakanguso siya, "Your Lolo,"

"Ah! He's just on a vacation. Babalik na din iyon, siguro next week" tumango tango na lang ako sa sinabi niya.

  Tumayo ako at naglakad-lakad. Naiwan siya sa sofa at nakitang sinusundan niya lang ako ng tingin. Nagpunta ako sa harap ng isang vintage na cabinet at may napansing albums sa may ibabaw noon. Agad akong kumuha ng isa at binuklat iyon.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon