Chapter 31: This girl will be ruin

91 5 1
                                    

A/N: First ever pov of Ms. Hanna. Expect that this will be a short chapter. Yun pong mga naka-italic ay flashback parts. Happy Reading! ^^

- lalabush

Thirty One

Hanna Leigh Mendez's POV

  Talaga nga kayang destiny 'tong dalawang 'to?

  Its true. Sinadya kong magkasama kami ni Drift sa iisang grupo. Duh?! Ang layo naman kasi ng Atienza sa Mendez. Ang shunga na lang talaga ng di pa makakahalata 'non. Syempre, dahil malakas ang kapit nina Mommy and Daddy dito sa Trison sinabi ko kay Mrs. Montero na isama ako.

  But putafudge that dirty assy!! Gusto kong masolo si Drift pero pano ko gagawin yun kung kasama din namin ang babaeng 'yun?!!

  So ano nga kaya, destiny?

  No! For Pete's sake! It's not destiny!

  Alright, siguro destiny nga. Destiny niyang maging harang sa love story namin ni Drift. I hate her! From the deepest of my bone marrow! I fuckin' hate her so much!

  Noon pa lang, he's all that I want. I know he was born for me. Kami ang destiny at walang makakapagpabago 'non! Even Shaney!!!

  Kababata ko sina Drift at Tracy. Super close friends nina Mommy at Daddy ang parents nila kasi pare-parehas sila ng pinasukang university. Mga uhugin palang kami, siya na ang crush ko, miski love, miski first kiss. Okay. Isama na din natin yung kiss, kahit ako lang naman ang nagattempt noon na halikan siya. Naalala ko pa non yung reaksyon niya nung hinalikan ko siya.

  Nasa sala kami noon ni Tracy habang naglalaro ng dolls. Napadako ang tingin ko kay Drift na nasa may labas at nagbabasketball. We're 8 years old that time at kahit nung maliliit palang kami ay lagi na kong dinadala nina Mom dito. Minsan naman si Tracy yung pumupunta sa bahay namin pero hindi sumasama si Drift.

"Kunyare daw ako yung prinsesa, ikaw Hanna, gusto mo din ba ikaw yung prinsesa?"

  Hindi ko siya napansin non, dahil buong atensyon ko ay nakay Drift lang. I knew that time, gusto ko na siya. Para bang kahit batang bata ang isip ko noon ay naiisip kong 'Someday siya ang pakakasalan ko, parang sina Mommy at Daddy lang'

"Uy Hanna!" dinanggil ako ni Tracy. Pagharap ko sakanya ay nakabusangot na ang kanyang mukha. Nagkibit siya ng balikat, "Yan ka na naman, palagi mo na lang tinititigan si Kuya Drift" aniya ng nakasimangot parin.

  Nagpout ako, "Hindi ba talaga niya gustong sumama pag pupunta kayo samin?"

  Umiling siya. Napadako ang tingin niya sa canter table nila tapos biglang nagliwanag yung mukha niya na parang may naisip na idea..

"Ah! Alam ko na," kinuha niya yung isang baso ng juice tapos inilahad niya sakin, "Puntahan mo si Kuya at dalhin mo to sakanya,"

  Kinuha ko ang juice at nginitian siya. Alam ko kasing alam niyang crush na crush ko noon pa ang Kuya niya.

"Sige!!" nagsimula akong tumayoat nagtungo hanggang sa may labas.

  Seryosong dinidribble lang ni Drift ang bola niya at ishinoot iyon.

"Drift!" tinawag ko siya at agad naman siyang lumingon. "Juice?" alok ko.

  Walang emosyon niyang binitawan ang bola at lumapit sakin. Ibinigay ko ang baso sakanya. Kinuha niya agad at tuloy-tuloy na nilagok ang juice.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon