Chapter 3: Oh-so-elegant Party

299 5 0
                                    

Three

Nakaharap ako sa half body size kong salamin dito sa kwarto. Infairness, ang ganda ko talaga. Suot ko ang bagong mini pink dress at closed shoes kong 3inches na binili lang din namin ni Hail kanina pagkatapos tumawag ni Lance. Nakataas ang ga-bewang kong buhok na kinulot sa dulo. Kinuha ko ang pressed powder ko sa kulay pink kong pouch at ni-retouch ang make up na nilagay sakin ni Hail. Natural make up lang ang inilagay ko. Busy pa ko sa pagtingin sa hitsura ko nang tumunog ang phone ko. Si Lance, sinend nya ang address ng party. May 'dont be late' pa sa huli.

8pm nang mapagdesisyon ko nang umalis. 30 minutes ko kasing tinignan ang hitsura ko, kaya pagkatapos ng mahabang seremonya sa salamin ay naisipan ko ding umalis. Sabi ni Lance 7:30 daw magsisimula ang party. Ayos lang naman siguro kung malelate ako ng konti.

Nagpaalam na ko kina Mom kanina. Payag naman sila basta may curfew ng hanggang 11. 10 pa nga sana yun, sinabi ko lang na kasama ko naman si Lance kaya pumayag na din sila.

Narating namin ang venue ng 20minutes. "Mang Leo, wag nyo na po akong susunduin mamaya ha? Sinabi ko na po kina Mom na si Lance na ang maghahatid sakin pauwi."

"Sigurado ka ba dyan Shaney?"

"Opo mang Leo. Sige na po. Ingat kayo paguwi." tumango si Mang Leo at bumaba na ko sa kotse. Sinalubong ako ng bestfriend kong gwapong gwapo sa kanyang black american suit. 

"Shaney!! I knew you'd come!" niyakap niya ako ng sobrang higpit at saka ko lang napuna na may kasunod pala syang babae. "And you look stunning!" sabi nya pagkakalas ng yakap sakin at ni-head-to-foot ako. 

Awkward moment? Eto yun.

Alam kong sweet at showy ka sakin Lance Ferrer. Pero di ba pwedeng pass muna ngayon? Nandyan ang girlfriend mo oh, kung di ako nagkakamali sya nga si Tracy. 

Tumikhim ako para mapalitan ang atmosphere.

"Oh, yes. Tracy." mukhang nakuha ni Lance kung anong gusto kong iparating. Inakbayan nya si Tracy na kanina pa yatang masama ang tingin sa akin. Im not sure. "This is Shaney, my bestfriend. And Shaney, this is Tracy, girlfriend ko."

"Hi Tracy." nag-abot ako ng kamay at kinuha naman nya.

"Hello Shaney, its nice to finally meet you. Lance talked many things about you. Thankyou for accepting my invitation." cheerful nyang bati sakin pero ramdam kong parang may mali. Nginitian ko siya at nagbitaw ng kamay.

Kahit kailan talaga, magaling pumili 'tong si Lance ng babae. Model type ang hitsura ni Tracy. Mas matangkad sya sakin kaya halata sa figure at posture nya na isa syang model. She look gorgeous on her black tube dress na sumasayad sa lupa. Kitang kita ang hubog ng katawan nya since fitted ang design ng dress.

"Tara na sa loob?" sabi ni Tracy. At naglakad kami papasok. "Kanina pang nagumpisa ang party, Your just on time Shaney, nagseserve na sila ng dishes." sabi ni Tracy habang naglalakad kami papasok sa isang hotel. 

Anong tingin nito sakin? Patay gutom? FYI, mayaman ako at kaya kong bilhin kung ano man ang specialty ng mga chef nyo dito. Kung hindi lang dahil ni Lance wala naman ako dito e. Hindi na lang ako sumagot pero tiningnan ako ni Lance. Alam nito ang ugali ko kaya nginitian nya ko ng isang apologizing smile.

Nang marating namin ang pagdadausan ay napanganga ako sa ganda. Maganda at elegante ang venue na may motif na black and white. Ang mga outfit na suot ng mga bisita ay laging may touch ng black or white. It's not really a good idea na pink dress ang isuot ko. Litaw na litaw tuloy ako dito. 

Kinalabit ko si Lance, "Bakit hindi mo sinabi sakin na may motif pala ang party!?" inis kong bulong sa kanya habang naglalakad kami sa gitna ng mga tao. Nasa unahan namin si Tracy.

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon