Chapter 10: From now on. . .

152 3 0
                                    

Ten

“Thankyou for the smile. . . Ysabela.”

Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng hiya kaya iniiwas ko ang tingin ko sakanya, 

“H-Ha? I-I just smiled because you smiled at me first.” Tengene.. bakit ba ko nabubulol?!

He chuckled, “You’re obvious.”

“Na ano?!”  napalingon ako sa sinabi nya na ikinabigla naman nya.

Lumaki ang mata nya. Bakit kaya? May amos ba ko sa mukha?

“N-Nothing.” He stuttered and avoided my gaze.

Dumating na ang prof at nagsimula nang magklase.

This is awkward. . .

Katahimikan ang namayani saming dalawa habang nagklaklase ang prof sa unahan. 

Gusto kong magsalita pero nahihiya ako. Ngayon lang ako nailang sa isang lalaki. Not to mention na puro lalaki naman ang kasama ko sa bahay.

“You’re not wearing it.” nagulat ako nang bigla syang bumulong sa tabi ko.

“A-ang alin?” hindi sya nagsalita hanggang sa malaman ko ang tinutukoy nya.

“Hindi ko yun binigay para lang ipangdisplay mo.” sabi nya ng mahina pero may awtoridad na boses saka tumingin sakin.

“So? Ano naman ngayon kung di ko isuot yun?”

Hindi na sya sumagot at ibinalik ang atensyon sa klase. 

Masasabi kong yun ang isang oras at kalahati ng buhay ko na hindi talaga ako naging komportable.

Nang makaalis na ang prof ay tumayo na sya at lamabas ng klasrum.

Hala? Galit kaya yun?  Hindi naman siguro.

Lumabas na ko ng klasrum at naglakad papunta sa cafeteria.

“Shaney!” napatalon ako sa gulat nang may malakas na tumawag ng pangalan ko habang nasa hallway ako. Lumapit sya sakin at inakbayan ako. Sinamaan ko ng tingin si Lance.

“Really?”

“What? I just missed my bestfriend.” Sabi nya saka ako hinalikan sa pisngi.

“Back off!!!” I said harshly. Itinulak ko sya at inalis ang brasong nasa balikat ko.

“Ang sama naman neto.”

“Ako pa? You’re a total jerk Lance Tim Ferrer! Hindi mo na pwedeng gawin yun sakin! Nasa tabi-tabi lang ang girlfriend mo ‘no! Pano kung makita nya yung ginawa mo?!”

“Hays. Fine fine. Pero wag ka nang magalit ha? Bati na tayo. Okay?”

“Okay.” 

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang, “Lance!!!”

Really? Uso ba sigawan ngayon? Lumapit sina Tracy, Shiver at Joven sa dereksyon namin, “I thought we’re having lunch together?” sabi ni Tracy at saka ipinulupot ang braso sa boyfriend.

“Yes. Tara?” sabi ni Lance pero nakatingin sya sakin.

“Ha?”

“Tara Shaney. Sama ka na saming maglunch.”

“Nu ka ba Lance. ‘Wag na. Kasabay ko naman sina Hail at Pinky."

Nagulat ako nang akbayan ako ni Shiver. 

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon