Fifteen
Tama naman kasi siya e. Ano nga bang panama ko dun sa Katherine nay un. Bukod sa maganda na sikat pa. Mukha pang celebrity. Nu ba yan! Hindi pa ko nagiging ganito kainsecure sa isang babae e. Nakakainis!
“Shaney? Huy! Okay ka lang ba?” bumalik ang ulirat ko nang kulbitin ako ni Lance.
“Huh? Bakit?”
“Kanina pa kaya kita kinakausap hindi ka naman pala nakikinig sakin. Bakit k aba natulala diyan? May ginawa ba sayo yung Drift na yun?”
“Wala ‘no. Ano ka ba?”
“Sabihin mo lang at babanatan ko ‘yon” pagbabanta pa niya
“Ano ka ba Lance! Mabait kaya ang kuya ko!” sabi ni Tracy
Nandito kami ngayon sa cafeteria ng university. Dito agad ako dumiretso pagkatapos akong ihatid ni Drift kanina. Sinabi ko kasing bumalik na lang kami kasi nawalan na ko sa mood pero humiwalay din naman siya kaagad kasi tinawag siya sa office niya.
“E bakit ba ganun-ganun na lang kabilis? Wala ka man lang kinukwento sakin tapos malalaman na lang naming na nanliligaw na siya sayo?”
“E ano ba dun? Hindi ka naman niya diary Lance para sabihin niya sayo lahat ng nangyayare sa buhay niya e.” sambit ni Tracy
Dumating sina Hail at Pinky dala ang tray ng pagkain.
“Hay na ko! Makaalis na nga dito!”
“Teka baby!” habol ni Lance, “Hindi pa tayo tapos Shaney ha!” umalis siya at hinabol ang nagtatampong girlfriend. Hay na ko ang gwapo kong bestfriend, under naman yata ng magaling nyang girlfriend. Pero buti naman ang nakaligtas ako sa interrogation nya. Hindi ko padin kasi naiipaalam kay Drift kung pwede ko bang sabihin sa kanila ang deal namin.
“Kung akala mo makakaligtas ka sa interrogation, e nagkakamali ka babaita ka!” sabi bigla ni Hail na ikinagulat ko. Oo nga pala, nandito ang dalawang ‘to, naku. Siguradong hindi nila ko titigilan.
“OO nga. Alam mo bang kanina pa kaming nagiisip sayo kung ano ba talagang nangyare. Grabe ka. Maloka-loka na nga kami ditto sa paghula e.” sabi naman ni Pinky.
“Kasi naman NBSB ka kaya, tapos out of the blue, pumayag kang magpaligaw, at si Drift Trison Atienza pa ha! Haba ng hair mo gurl!” panloloko muli ni Hail.
Di na ko nagtataka sa dalawang ‘to. Alam kong pagbalik ko, sandamakmak na pangiinis at tanong ang sasabihin ng mga ‘to sakin. Kaya it’s a good thing na handa ako. At least hindi ko sila mapapatay na dalawa.
“Ginayuma mo ba siya?” biglang tanong ni Hail sa akin
“Teka, wag mong sabihing inakit mo siya?!”
“Ha?! ANo bang pinagsasabi niyo? Mga bruha kayo.”
“Sabagay, bakit mo nga ba siya aakitin e maganda ka naman. Teka, baka dahil nagtransform ka kaya ka niya nagustuhan. Naku, masama yan. Hindi ka niya mahal sa totoong ikaw.” -___________-
“Baliw! Wala ka bang tiwala sa beauty ni Shaney natin?” pagtatanggol ni Pinky.
Pano ba ko makakapagkwento sa dalawang ‘to e nag aaway na sila?
Tuloy lang sa nonsense na awayan ang dalawa nang biglang may sumigaw na umalingawngaw sa buong cafeteria.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Roman pour AdolescentsYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...