Twenty Seven
“Bitchy, ano bang course nung boyfriend mo? Teka, ang rinig ko Atienza siya di ba? Sobrang yayaman daw ng mga ‘yun. Wait, gano na ba kayo katagal? Bakit hindi mo man lang sinabi kay Dad?”
Kanina pa kong pinupurga ni Yano ng kung anu-anong tanong tungkol kay Drift. Pero ni isa ay wala naman akong sinasagot. Naiirita pa nga ako sakanya kasi ayoko na sanang marinig miski pangalan niya.
Sunday ngayon, pasukan na naman bukas at ngayon ay positive na ako na lalayuan ko na talaga ‘yang mga Atienza na yan. Magfofocus na lang ako sa pag aaral. Gulo lang ang papasukin ko pag pinansin ko pa sila.
Nung araw na iknuwento ko ang lahat kina Hail at Pinky ay panay ang bulyaw nila sakin na kay Shiver na lang daw ako. Keso daw siya ang knight in shining armor ko nung gabi ng party at siya naman daw talaga ang totoong deserving para sakin. Puro irap na lang ang isinagot ko sa mga suggestions nilang ‘yun. Sinabi kong hangga’t maaari ayoko nang makasalamuha ng isang Atienza.
Bigla kong naalala yung moment namin ni Shiver sa sofa ng room namin. Ugh! Lalo na kaya kung ikinuwento ko pati yun sa dalawa kong bruhang kaibigan. Nakuu! Baka gumawa na talaga sila ng shippers ng love team naming dalawa.
“Adrian, ‘wag mong tanungan yang ate mo ng kung anu-ano. Baka mastress yan at pumangit tapos hindi na siya magustuhan ni Drift.” ani Mommy pagkalagay ng isang box ng pizza at dalawang baso ng juice sa center table, nandito kasi kami ngayon sa sala at nagmomovie marathon, ito ang paraan namin ng pagbabonding pag hindi kami masyadong lumalabas as a family, “Pero di nga Shaney, ano bang nangyari sa party at wala ka man lang nakwento sakin nung umuwi ka?” isa pa ‘to e.
“Break na kami, Mom.” Sagot ko na parang wala lang at kumuha ng isang pizza saka kinagatan. Diretso akong nakatingin sa TV habang sila ay laglag ang pangang nakatitig sakin. Nilingon ko sila, “What? Walang forever.” Sabi ko na lang. Pagkatapos ng mahaba-habang intrigahan ay tumaas na ko sa kwarto ko, nakakabingi kasi sila at nakakairitang dalawa.
Nakadapa ako sa kama ko habang nagchecheck ng mga notes ko dahil umpisa na ulit ang pasukan bukas nang biglang magring ang phone ko.
'Super Lance' calling…
Aba. Ang magaling at gwapo kong bestfriend, nakakaalala pa pala?
Sa pangalawang ring ay sinagot ko ang tawag.
“O, hello?”
“Shaney!!!” bahagya kong napalayo ang cellphone ko sa tenga dahil talo pa niya ang babae sa pag irit niya,
“Lance Tim Ferrer! Pwede bang hinaan mo yang boses mo! Hindi bingi ang kausap mo!” sabi ko na iritang irita. Hindi siya agad nagsalita nang may narinig akong hikbi. “Hello? Hoy Lance? Umiiyak ka ba?” tanong ko sakanya na buong pag aalala naman ngayon.
“Shaneyyy…” ngayon ay sobrang lungkot naman na tono ng boses ang narinig ko sa kabilang linya.
“Lance? Nasan ka? Pupuntahan kita.” sinabi niya ang lugar kung nasan siya at kaagad naman akong nagbihis at nag ayos ng sarili.
“O san ka pupunta Shaney? Hapon na ah,” sabi ni Mom pagkababa ko sa hagdan.
“Uhm, pupunta lang po ako sa bistro kung nasan si Lance ngayon. Tumawag sakin kanina lang, umiiyak siya Mom e, mukhang broken hearted at kailangan niya ng kalinga ko.” Sabi ko at nag-pout pa.
“Fine, pero sabihin mo diyan sa bestfriend mo ay ‘wag masyadong pakadibdibin at may likod pa.” kinunutan ko ng noo si Mommy, hay na ko. Di talaga magaling na joker ang lahi namin. “Pwede namang tumawa ka na lang e, sige na umalis ka na.” pagtataboy sakin ni Mommy.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Fiksi RemajaYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...