Chapter 18: Germs on Her forehead

216 4 0
                                    

Eighteen

Dug-dug.

Tanging ang malakas na kalabog lang ngayon ng aking puso ang naririnig ko.

Kaharap ang piano na nasa ibabaw ng malaking stage na kinatatayuan ko, hinarap ko ang iilang nanunuod ngunit malawak ang auditorium para sa kanila. Kasama ang tatlong judges na maghahatol kung sinong papasa sa audition ay nahuli rin ng paningin ko Drift. Nakangiti siya ng malapad na wari'y proud na proud na siya hindi pa man ako tumutugtog. Katabi niya si Lei at si Joven.

Hindi pa ako nagiging ganito ka kabado sa tanang buhay ko tuwing tutugtog ako.

"Excuse me, Miss.." saglit tumungo ang kaedadin kong babae para tingnan ang pangalan ko sa papel na nasa lamesa, "Shaney Cortez? Can you please take off your shades? Its very unusual."

Nanginginig na inabot ng kamay ko ang shades saka inilapag sa ibabaw ng piano. From the corner of my eyes I glanced at Drift. Pansin ko ang paglaki ng mga mata niya, siguro'y nakita na niya abg bloodshot kong mga mata

"Better. You may start." ani ng babae.

Umupo ako sa harap ng piano ng biglang umikot ang paligid ko. Para akong matutumba kaya napahawak ako sa piano na naglikha ng di kaaya ayang tunog. Napansin kong napalingon ko lahat ng taong nanduon.

"Are you okay?" tanong ng isang hurado na may edad nang lalaki nang mapuna niyang hinihilot ko na ang gitna ng mga mata ko. Tumango ako.

Hindi ko kaya. Hindi kaya ng katawan ko, lalo na ng isip ko. Hindi ko kayang tumugtog ng ganito ang kundisyon. Para akong high sa drugs sa nararamdaman ko ngayon.

"Go Ysabela! Kayang kaya mo yan!" sigaw ni Drift na umalingawngaw sa buong auditorium. Pinagtinginan siya ng halos lahat ng naroon pero wari'y hindi niya iyon alam.

Kailangan kong gawin to. Kailangan. Ayokong mapahiya si Drift dahil lang sakin.

Buong lakas ay tumunghay ako at nag ayos ng upo. Sinimulan ko ang piyesang sanay na akong patugtugin. Ito ay ang 'All of me' , piano version ko.

Habang tumutugtog ako ay inalala ko ang mga bagay na nakapag paiyak sa akin. Ang problemang pinagdadaanan ng pamilya ko. Ang pag alis ni kuya. Ang kompanyang matagal pinaghirapan ni Dad.

Nakapikit ako. Nang iminulat ko ang mga mata ko sa parte ng korus ay biglang nanlabo ang paningin ko. Narinig kong iba't ibang tono na ang napipindot ko sa piano.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang tumugtog ng may dinadalang ganito kabigat sa puso ko. Hindi ko kayang magkunwaring malakas. Walang musika sa dibdib ko ngayon. Binabalot lang ito ng kalungkutan at pangamba.

"Im sorry." tumayo ako at yumuko sa harap ng judges. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nila. Nasilayan ko din sina Hail at Pinky na nanunuod na din pala. "Hindi ko po kaya. Im sorry, I've wasted your time." tumunghay ako at nakita ko ang mga manunuod na nakakunot ang noo.

"Ysabela..." kita ko ang pagbuka ng bibig ni Drift bago ako tuluyang tumalikod. Pero nang ihahakbang ko na ang aking paa ay mas lalo akong nahilo. Bumigay na ang mga tuhod ko at bumagsak ako sa sahig ng stage.

"Shaney!" rinig kong hiyaw nina Hail at Pinky. Inasahan ko ang pagdalo nila sakin ngunit nagulat ako nang makita ko si Drift na yumuko at itinapat ang mukha niya sa mukha ko.

"Ysabela..." bulong niya nang punong puno ng pag aalala sa kanyang mga mata at tuluyan nang nagblangko ang aking paningin.

---

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon