Chapter 11: This was not a dream

164 3 0
                                    

Eleven

“Ugh! Pinagsisisihan kong sumama pa ko sayo!”

“Ang sama mo naman! Alam mo namang malungkot yung tao tapos hindi mo pa sasamahan!”

Naglalakad kami ngayon sa hallway. 

“Isinama-sama mo ko tapos di mo ko pakakainin! Sinong masama satin?!”

“Ganyan ka ba talaga kadaldal o sakin lang? Wow ha. May favoritism ka ba?”

“Aba’t talagang ang Kapaaal Kapaaaaal!”

“Malay ko bang malelate na din tayo sa klase.” Nasa harap na kami ng klasrum at 30 mins. na kaming late.

“Phew!! Ikaw ang magbukas! Tutal ikaw naman ang may dahilan nito.” Tinulak tulak ko sya para buksan ang pinto ng rum.

“Oo na! Tss.” Binuksan nya ang pinto at saka kami pumasok. Aba ang loko tuloy-tuloy na naglakad. Di man lang nagpaliwanag. 

“Sorry Mam, we’re late.” Umupo ako sa upuan katabi si Hail. Ramdam kong sunod ang tingin nila saming dalawa ni Drift. Hindi kami pinansin ng prof at nagpatuloy ulit sa klase.

"Gurl, san kayo galing?" bulong ni Hail sakin

"Sementeryo."

"Sementeryo?!!" pinanlakihan ko ng mata si Pinky

"Oo. Isinama nya ako. Death anniversary kasi ng mom nya."

Mas lalong nagulat ang dalawa. Ikinuwento ko sakanilang dalawa lahat ng nangyare habang nagklaklase. Para kaming mga sira ulong nagbubulungan. Sinabi ko na din sakanila ang dahilan kung bakit di ko sila nakasabay sa paglalunch.

Natapos ang mga klase at naglabasan na kami. Naglalakad kami papunta sa may gate nang biglang sumulpot si Lance. 'Tong bestfriend kong 'to mababansagan kong kabute. Pasulpot sulpot na lang bigla.

"Shaney! Sama ka samin!" sigaw nya habang nakikisabay sa paglalakad.

"Saan naman?" bored kong sagot sa kanya.

"Magbabar kasi kami nina Shiver. Sama ka na please?"

"Bar? Di ba may pasok kinabukasan?"

"E hindi naman tayo magpapakapuyat e. Dali na. Sama ka na. . ."

"No. Ayoko."

"Please my Shaney?"

"Bakit mo pa ba ako pinipilit e kasama mo naman ang girlfriend mo."

"Pero gusto ko paring kasama ang bestfriend ko!!"

Hindi ako titigilan ng isang 'to. Tumingin ako kina Hail at Pinky at sabay silang umiling.

"Fine. Anong oras ba yan?"

"Yes!! 7pm susunduin kita ha? bye!" patakbo syang umalis.

"Hindi ba masyado mo namang ini-spoiled si Lance?"

Hindi ko na lang pinansin si Pinky. Masyado kong mahal yung bestfriend kong yun na tipong hindi ko talaga sya kayang hindian. Atsaka dahil nadin sa isang lalaki. Pano kung kasama si Drift? Ayokong magmukhang manang dun. Teka? Bakit napasama si Drift?

Naalala ko bigla yung moment namin kanina. Nagopen sya sakin at hindi ko talaga yun inaasahan. Nakakaoverwhelmed at parang pakiramdam ko friends na talaga kaming totoo. Yung tipong higit pa sa facebook. Chos! Nagpaalam ako kina mom and dad kanina nung nagdidinner kami at pumayag naman sila. Syempre kasama si Lance e -_-"

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon