Two
Pababa na kami ni Hail galing sa kwarto ko. It takes really a minute bago makarating sa dining area. Our house is definitely big. It has 5bedrooms. Two floors lang pero malawak ito at may kung anu-ano pang room ang nasa loob. May game room, gym at ang paborito ko, ang music room. Ako ang suki ng room na 'yon. Since mahilig talaga ako sa instruments at madami akong alam tugtugin. Pero piano ang pinaka-favorite ko.
Actually its my passion. Since 4, naengganyo na akong humawak ng piano at nung nakita nina Mom ang potential ko, isinali nila ko sa iba't-ibang contests at laging umuuwing may trophy. Kung hindi man champion ay at least laging may place.
I feel in peace everytime I play. I don't know but I feel free. Na parang yung soul ko, lumalabas sa katawan ko at nakakarating sa isang sobrang gandang paraiso. Even at least a while, nakakalimutan ko kung gaano nakakastress ang mundong ginagalawan ko.
"Shaney, you really should provide a bike here in your house." napatawa na lang ako sa sinabi ni Hail.
Nang makarating kami sa dining room sinalubong ako ng matamis na ngiti ni Mom.
Yeah, my mom was really pretty. Halos sakanya ko namana lahat ng features ko. Pero ang dalawa kong kapatid na lalaki ay more on kay Dad nakuha ang mga features.
One of my brothers is Prince Adrian Cortez. Sabi ni Mom sana daw Adriano Jr. ang pangalan nya pero palagi syang umaaktong nasusuka pag namemention yon. He's 17 years old. 1 year lang ang tanda ko sakanya, but still nasa highschool parin sya dahil ng advance education na pinatupad. Gwapo at super lakas ng dating ng kapatid kong yan. Magaling syang kumanta pero nahihiya syang ipakita. Kundi ko pa sya narinig na kumakanta isang araw sa banyo nya, wala pang makakadiscover sa boses nya. Pero kahit super gwapo nyan ay wala pa talaga akong nababalitaang nagkagirlfriend na yan. Swear! Shet, di kaya bakla tong kapatid kong 'to?!
Then Kuya Nicholas Cortez, my-oh-so-sweet Kuya Nick. He already graduated at nagtratrabaho na sya kasama ni Dad sa company namin, ang famous La Cortez Magazine. Ang hot at ang gwapo nyang kuya kong yan. Crush sya ni Hail at inamin nya sakin yon. He's 22 years old. Yes, malayo ang agwat namin ni Kuya kasi unfortunately may namatay akong kapatid. I think its not, kasi dugo pa sya nung namatay sya. So ayun nga, malayo pagitan namin ni kuya. Sobrang sweet at caring sakin ni Kuya Nick. Dahil siguro nag iisa akong babae. Bakas sa muka ni Kuya na He is really a gentleman. Alam ko nagka-gf na sya before pero wala namang tumagal hanggang present.
"Shaney sweetie, Come join us." And lastly, my beautiful mother. Nichola Cortez. Oo, sakanya kinuha ang pangalan ni Kuya Nick.
"Goodmorning mom," hinalikan ko siya sa cheeks at umupo na, "Kuya.." then si Kuya naman. "Where's Dad?"
"He said may maaga daw siyang kameeting," sagot ni Mom na napansin kong medyo matamlay. Tumango na lang ako kahit parang feeling ko may hindi okay.
"Si Adrian o, hinihintay ang greet mo" bigla namang sabi ni Mom nang makaupo si Hail sa tabi ko.
"Oh really mom? Like I expect her to?" He glared at me.
"I really dont, YANO." He glared at me again. That's it. Alam ko talaga kung pano inisin 'tong magaling kong kapatid. Ayaw na ayaw nyang tinatawag syang Yano. I chuckled.
Napatawa na lang din si Kuya Nick at si Mommy.
"So, Hail, kamusta na sina Kumpare at Kumare? Hindi ko pa ulit sila nakikita ah," tanong ni Mommy at sumubo ng bacon. Laging nandito si Hail since bakasyon naman. Ka-close din naman nina Dad at Mom ang parents niya kaya parang hindi na siya iba samin.
"Hindi pa po ulit sila umuuwi galing sa bakasyon," napatingin ako kay Hail at hindi nakalusot sakin ang lungkot ng kanyang mata. She's missing her parents.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Novela JuvenilYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...