Chapter 13: The offer

169 5 5
                                    

Thirteen

Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain.

"Ano na nga kasi yung favor na hihingin mo sakin at talagang kinailangan kong magtransform muna. Grabe ka din no? Nakahingi ka pa sakin ng pabor kahit ikaw naman yung nagkarun sakin ng kasalanan." Napatigil sa ere ang isusubo nya sanang pagkain at ibinaba iyon. Matiim nya akong tinitigan. Napalunok naman ako

"Akala ko ba napatawad mo na ko sa nagawa kong yun? Tingnan mo naman at nageffort naman ako sa pagsosorry sayo tapos ganyan pa sasabihin mo? Psh!" tumingin sya sa malayo na para bang nafrustrate sya

"Fine. So ano? Ano na nga kasi yun?! Baka naman kasi mamaya may ipapapatay ka pala sakin!" Nanlaki na naman ang mga mata nya at masuri akong minata.

"Pinagkamalan mo kong kidnaper, tapos ngayon mamamatay tao?!!" napapikit ako sa sigaw nya at napalingon naman ang ibang nasa lamesa

"Okay! Sorry. Kalmaaaa.." alo ko sakanya. Saka naman sya bumuntong hininga.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan bago muli syang nagsalita, "Be my pretend girlfriend for three weeks." nakayuko sya habang sinasabi yun. Para bang hiyang hiya sya ngayon sa sinasabi nya. Teka, wait, hintay, ulit, ano daw?

"ANO?!"

"I said be my pretend girlfriend.. Please Ysabela?" ngayon nakatingin na sya sakin habang nangungusap naman ang kanyang mga mata.

"Huh?!!!!"

"Uulitin ko pa ba?" naiinis na ang tono nya.

"Y-You mean, magkukunwari akong girlfriend mo? Bakit? Pano? Saan?" hinay hinay Drift, sasabog ang utak ko, mali, ang puso ko sa mga sinasabi mo. I mean, bakit pretend lang? Di ba pwedeng totohanan? 

"Uuwi si Dad this coming friday. At gusto nya may ipakilala daw akong girlfriend. Pag wala akong naipakilala, pipilitin na naman nya akong makipag eyeballs sa kung kani-kanino. Tatlong linggo lang naman sya dito.. " sabi nya

"E b-bakit ako?"

"I think it will suits you..." lumakas ang kabog ng dibdib ko at natulala sa kanya. Ibig nya bang sabihin dun, bagay akong maging girlfriend nya? Ogosh! I can't take this. Inabot ko ang baso at inubos ang laman nong tubig kasi nabibigla talaga ako sa mga sinasabi nya.

"So ano? Can you do this for me?"

"A-Ano namang kapalit?" syempre di ko hahayaang walang kapalit 'to. Baka naman kasi isipin nyang nagkusang loob ako kasi gusto ko sya. Oo, tama. Gusto ko sya pero may pride din naman ako. Di ako yung tipong ipagduduldulan ko na gusto ko sya.

Bahagya syang nag isip at saka ako pinasadahan ng tingin, "I'll treat you every lunch in one week?" nalaglag ang panga ko sa alok nya.

"Seriously?!"

"What? Okay na din yun no!"

"A-Anong okay?! Tingin mo sakin, patay-gutom?! Napakasimple non. Alam mo ba ang hinihiling mo sakin? It's a matter of life and death, Drift!" sya naman ang napanganga

"Your not serious, are you?"

"What? Seryoso ako, kaya pwede ba. Kung wala kang magandang io-offer, mabuti pang wag na lang!" tatayo na sana ako pero agad nya kong pinigilan

She Owned MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon